Followers

Wednesday, June 25, 2014

My Wattpad Pamangkin 34

Dahil sa nangyari sa relasyon nina Zillion at Gelay, may natutunan ako. Kailangan kong itama ang pagkakamali ko. Kailangang maibalik ko ang dating sigla ng anak ko. Si Gelay lang naman ang nagpapasaya sa kanya kaya dapat ay magkabalikan sila. 

Pinayagan ko na siyang magpahinga sa pagsusulat kung gusto niya. I indirectly told him that he is free to visit his Facebook, Tumbler, Instagram and Twitter. Natuwa naman siya. Nangako din siyang hindi niya pababayaang mag-update sa kanyang Wattpad, at least one chapter a day, daw.

Ok, anak! Basta ang mahalaga, ma-beat natin ang deadline. Kailangan nating maipublish ang Book 2 ng Red Diary mo.

Yes, Dad! No probs. Then, agad na niyang binuksan ang kanyang laptop at nag-sign in sa FB.

Iniwan ko siyang mag-isa upang si Maila naman ang makausap ko. Sobrang busy ako maghapon kaya di ko siya natawagan at nakausap. Ugali ko kasi na tumawag sa kanya everyday or before lunch. Hindi ako mapakali kapag di ko siya makausap at di ko maitanong kung kumain na siya.

Sorry, Mai.. Apologetic ako..

It's okay, Zander. Hindi ko rin namalayan ang oras kanina. Naglinis ako sa kuwarto natin..

Hmm.. Mukhang gusto mo nang sundan si Zillion, ah.. Halika nga dito.. Kinabig ko siya palapit sa akin at kiniss ko siya sa labi.. I missed you..

I missed you, too..

Daddy! Tatlong katok ang narinig namin.

Come in, ‘nak. Si Maila ang sumagot. 

O, Zillion?! Ako

Dad, hanggang what time po ako?

Natawa ako. Masyadong naging conscious ang anak ko. Akala niya ay masyado pa rin akong mahigpit. Kahit anong oras mo gusto, nak.. Basta, maaga ang pasok natin bukas..

Okay po, Dad! Thanks! Goodnight, Mom and Dad!!


Nakakatuwa..

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...