Followers
Friday, June 13, 2014
My Wattpad Pamangkin 4
Nakaharap ko na uli ang classmate ng unico hijo ko. Ibang-iba na siya kumpara noong una kong nakita. Medyo nabawasan ang pagkamahiyain niya. Naging magiliw din siya sa Mommy ni Zillion. Mukhang magkakasundo sila. Mahilig din pala siya sa mga halaman at orchids.
Iniwan ko na sila sa living room pagkatapos kong bigyan sila ng idea. Although, sinabi kong tutulungan ko sila, it doesn't mean na ako na ang gagawa. Mas gusto ko pa ring kamay nila mismo ang tatapos ng project nila. At least naman, agree naman sila sa ideya ko at sinunod nila.
Naghanda ako ng lunch namin, pagkatapos kong mag-almusal at bigyan sila ng meryenda. Si wifey ko naman ay tumulong sa akin sa kusina.
Nag-usap kami tungkol kina Angela at Zillion.
"Tingnan mo kasi silang dalawa. Look at how they treat each other. 'Yung mga titig at harutan nilang dalawa," sabi ko nang ayaw maniwala ni Maila sa paniniwala kong magkasintahan ang anak namin at ni Angela.
"Ano ka ba?! Ganyan na ang mga bata ngayon. Pag nagharutan ba, magboyfriend-girlfriend na agad? Di ba pwedeng barkada lang?"
"Sana nga..."
"O, bakit ayaw mo? Binata na ang anak mo. Hindi na baby... Hayaan mo na."
"Wala naman akong disagreement sa bagay na 'yan. Ang akin lang ay baka mapabayaan ni Zillion ang pagsusulat niya. Pangarap kong makilala din siya sa Wattpad world, gaya ko."
"Alam mo, ganyan din tayo noon... Inspirasyon nga kita, kaya lalo akong nagsumikap sa pag-aaral ko. At, hindi naman tayo parehong nabigo... Pareho tayong naging successful."
"Sana nga, Mai..."
"Relax... Kaya nga tayo nandito para i-inspire siya. Let him discover the real life. Masama naman sa isang writer ang puro imagination na lang. He has to experience the love sa totoong buhay. This is it!"
"You're right, Honey! Okay! Let's not bother ourselves overly to that matter... Sige, akin na ang sibuyas."
"Na-realize mo rin..."
Nagkatawanan kami ng aking my only one.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment