Lumipas
ang mga araw, wala na akong natanggap na private message mula kay Angela. Hindi
pa rin niya marahil natatanggap ang apology ko. Kahit kay Zillion ay hindi pa
rin siya nagpaparamdam.
Sa
tingin ko, ginagawa ang lahat ng anak ko na mapatawad niya kami.
Isang
Sabado, pareho kaming walang klase ni Zillion. Niyaya ko siya at ni Maila na
mag-out-of-town. Somewhere in Bulacan naman ang destinasyon namin. Road trip
lang. Walang patutunguhan.
Tuwang-tuwang
si Zillion dahil alam niyang dadaan kami kina Angela. Oo, iyon talaga ang plano
ko.
Alas-diyes
ay narating namin ang bahay ng mga Guttierez. Si Mr. Guttierez ang lumabas ng
bahay para kausapin kami.
Nasa
bahay lang ng kaklase. May ginawang group project. Tuloy kayo. Hintayin niyo na
lang sa loob.
Tumuloy
kami. Sa nipa hut, sa garden niya kami pinaghintay, habang ipinahanda naman
niya ang dala naming meryenda para sa lahat.
Na-appreciate
ko ang lugar nina Gelay. Best place para sa pagsusulat. Nakaka-relax. I'm sure,
dito si Gelay gumagawa ng kanyang story. Cool!
Nang
bumalik si Mr. Guttierez, kasama na niya ang Mommy ni Gelay. Kamukha siya ni
Gelay. Pareho silang maganda.
Binati
namin siya. Pagkatapos, nagmeryenda kami, kasama ang mag-asawa. Sunod,
nagkuwentuhan kami. Napagkuwentuhan namin ang
writing career ni Gelay.
Hindi
nga po namin akalain na magiging writer 'yang si Gelay.. sabi
ni Mrs. Guttierez.
Nagulat
na lang kami, one night, umiiyak. Di naman nagsasabi kung anong problema.
Hanggang sa mapilit ni Misis na magtapat, kuwento
ng Daddy ni Gelay. Gusto
daw niyang makapag-publish ng libro.
Nagkatinginan
kami ni Zillion. Hindi pala alam ng mga magulang ni Gelay na tungkol sa
break-up ang kanyang iniiyak. Although isa ring factor ang pagsusulat, mas
matimbag ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Tinulungan
namin siyang makapagsulat. Bumalik kami dito sa Bulacan para
makapag-concentrate siya. Dagdag pa ni Mr. Guttierez.
Ang ganda
nga ng lugar ninyo.. Perfect for a novice writer. Nakatulong siguro ito ng
husto para maging mas madaling makasulat si Gelay, sabi
ko naman.
Marami
pa kaming napagkuwentuhan tungkol kay Gelay, kasama kung paano naman siya
nagsumikap na makilala sa Wattpad world.
Ayan
na pala si Gelay! deklara
ni Mrs. Guttierez.
Nakita
kong umabot sa tainga ang ngiti ni Zillion, lalo na nang batiin siya ni Gelay.
Binati din niya kami. Kami pa nga ang inuna niyang i-greet. Napaka-sweet pa rin
niya.
Hello,
Gelay! Kumusta? banat
ni Zillion.
Hello,
Mabuti naman ako. Busy pa rin. Kaw?
Mabuti
rin..
Dad,
Mom.. Hinarap
naman niya ang mga magulang.. umuwi
lang po ako para makita sina Tito. Hindi pa po kami tapos sa project.
Ah,
ganun ba? O, siya, magmeryenda ka muna. Nagdala si Zillion.. ani ng
Daddy niya.
Nakita
ko namang nahapis ang mukha ni Zillion. Akala ko rin ay makakasama namin ng
matagal si Gelay bago kami bumalik sa Manila.
Hindi
nga nagtagal si Gelay. Nagpaalam uli siya. Sorry
po, Tito, Tita at Zillion.. I have to go. Hindi
siya masyadong tumingin sa aming dalawa ni Zillion. Ramdam ko ang pagtatampo
niya. Hindi na rin siya lumingon para tingnan pa uli kami.
Pagkaalis
niya, nagkuwentuhan pa kami ng ilang minuto at nagpaalam na kami. Bigo
man, pero masaya na rin dahil napasaya ko kahit paano si Zillion.
No comments:
Post a Comment