Followers

Saturday, June 14, 2014

My Wattpad Pamangkin 11

Nagda-drive na ako palabas ng subdivision namin nang maalala kong wala pa pala kaming destinasyon.

Zil, saan tayo magchu-church?

Manila Cathedral, Dad!

Ok, son!  Then, nag-concentrate ako sa pagda-drive. Si Maila, ang katabi ko. Si Zillion ay nasa back seat, nagta-tablet. I hope, nagwa-Wattpad siya o kaya ay nagba-blog. Nasa tabi niya rin ang kanyang cellphone, na tunog ng tunog. Reply naman siya ng reply.  Hmm. Busy ang binata ko. Sino kaya ang ka-text niya. Malamang si Gelay o si Angela.

Mamaya ko siya kakausapin tungkol sa tunay na katauhan ni Angela..

Panay ang silip ko sa aking anak through the mirror sa uluhan ko. Hindi niya ako napapansin na tinitingnan ko siya. Hindi siya nagwa-Wattpad. Panay lang ang text. Iyan na nga ba ang sinasabi ko, e .

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Anak.. what are you doing back there? Have you updated your stories?

Not yet, Dad. I'm texting my friends and greeting their dads..

Hindi ako naniniwala. He did not look at my eyes..

Pinark ko lang ang sasakyan namin, tapos pumasok na kami sa church. We're half an hour late for the mass, but it's alright. We just stood up near the facade because the cathedal was full-packed. All seats were occupied. 

Hindi mapakali si Zillion sa cellphone niya. Malapit na akong magalit. Buti na lang nag-excuse siya. Bibili daw siya ng menthol candy dahil he feels something wrong with his throat. Pumayag ako. However, natagalan siya kaya sinundan ko. Nakita ko nga siya na nakatayo malapit sa street vendor. Pero, nagsi-cellphone lang. Hindi ko siya nilapitan.

Minutes later, kumaway siya sa isang babae. Si Angela, dumarating.. Kaya pala... I sighed.

I meet them halfway.. Kaya pala di ka mapakali, anak. Bakit di mo sinabing you invited Gelay..

Namula ang dalawa. Tiningnan ako ni Zillion. Si Angela naman ay napayuko.

Dad? You called him Gelay.. He's so cute kapag nako-corner..

Yes! Isn't she, she is Gelay?

Dad.. 

I never gave him a chance to explain. Inakbayan ko siya at si Gelay papunta sa cathedral. Let's praise the Lord..Thank Him for the blessings and ask for forgiveness of our sins. I emphasized sins.

Nagulat si Maila sa presence ni Angela but I made a sign na she must not ask or talk about it. We then concentrate in the mass. 

Peace be with you portion na.. 

Tiningnan ako sa mata ni Zillion at maamong nagsabi ng Peace be with you, Daddy! I had no choice but to answer the same----the same way, the same tone.


Pagdating sa anak ko, hindi ako pwedeng magalit. He's my beloved son.. I just asked God to stop him from not confiding and not telling the truth. It is not independence, but a form of rebellion. Wala naman siyang dahilang magrebelde beacuse I believe I am a great father to him..

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...