Sa sikolohiya, ang bawat kulay ay sumisimbolo sa isang katangian ng tao. Ginagamit ito ng mga sikolohista upang maunawaan ang pagkatao, kagustuhan, pangangailangan, pag-uugali at damdamin ng isang pasyente.
Ang kulay ay kasangkapan ng tao sa pagpapahayag ng kanyang damdamin. Ngunit ang kahulugan ay nag-iiba-iba. Halimbawa, sa pagsusuot ng damit. Ang isang tao na mas pinili ang kulay-pulang damit kaysa sa itim na damit ay masaya. Pwede rin namang ipakahulugan na siya ay galit.
Samakatuwid, ang bawat kulay ay nagtataglay ng kahulugan. Narito ang ilan:
1. Red – kulay ng kasiglahan, pag-ibig, kilos, ambisyon at determinasyon.
2. Orange-- kulay ng sosyal na pakikitungo, pag-asa at maaaring kawalang-loob at kababawan
3. Yellow -- kulay ng kaisipan, katalinuhan, pagiging positibo at masiyahin, pagkamainipin, kritisismo at karuwagan.
4. Greeen -- kulay ng katarungan , pag-unlad, pagiging positibo at mapag-angkin
5. Blue -- kulay ng kapayapaan, tiwala, katapatan, karangalan, pagkakonserbatibo at panlalamig
6. Indigo -- kulay ng salagimsim (intuwisyon), idealism, kayarian, seremonya at adiksyon
7. Purple -- kulay ng imahinasyon at pagkamalikhain; kahilawan at pagiging di maparaan
8. Turquoise -- kulay ng komunikasyon at kalinawan ng isip; pagiging di maparaan at idealistiko
9. Pink -- kulay ng walang pasubaling pag-ibig at pag-aaruga, kahilawan, kahangalan at pambabae
10. Magenta -- kulay ng pangkalahatang kaayusan at patas na emosyon, pagiging isprituwal at praktikal, sentido kumon at pagkaroon ng pag-asa sa buhay
11. Brown -- kulay ng pagiging palakaibigan at seryoso, kababang-loob
12. Gray -- kulay ng kompromiso, pagdadalawang-isip at pagiging salawahan
13. Silver -- kulay ng pambabaeng lakas at sigla; pagiging emosyonal, sensitibo at misteryoso.
14. Gold -- kulay ng tagumpay, kasikatan at panalo; kaalwahan, kaginhawaan, kalidad, luho, katanyagan, reputasyon, kabutihang-asal, kahalagahan, kakisigan, kasaganahan, kayamanan at karangyaan
15. White -- kulay ng pagiging kompleto, puro at perpekto; kalinisan, kainosentehan, kabuuan
16. Black -- kulay ng pagiging masekreto at malihim; kawalan; misteryoso
Araw-araw o ilang beses sa isang araw ay nagpaplit tayo ng damit, kasabay niyon ay ang pagpalit o pag-iiba ng ating damdamin at emosyon. Ang kulay ay sadyang makahulugan sa ating sikolohikal aspeto ng ating buhay.
No comments:
Post a Comment