Followers

Tuesday, February 10, 2015

Redondo: Habol

Na-late ako kanina sa klase ni Mam Dina. Nakita ko kasi si Leandro, di kalayuan sa school. Kahit nagsuot pa siya ng hoodie at naglagay nagpatubo ng bigote, nakilala ko ap rin siya.

Sa sobrang galit ko sa kanya, dahil sa ginagawa niya kay Riz, patakbo ko siyang nilapitan. Nang Makita niya ako, kuamripas din siya ng takbo palayo. Naghabulan kami. Mabigat lang ang dala kong baga kaya hindi ako makatakbo ng mabilis. Ayaw ko namang iwanan lang ito sa kalsada. Hindi na rin ako humingi ng tulong o kaya sumigaw ng tulong.

Siguro ay nakatatlong liko ako sa mga kanto-kanto nang mawala sa paningin ko ang tarantado. Lumawit halos ang dila ko. Kaya, lalong nadagdagan ang galit ko sa kanya.

Ikinuwento ko ang nangyari kay Mam Dina, habang nakikinig ang mga kaklase ko at si Riz.

Nalungkot si Riz.

“Sorry, Riz. Next time..pag nakita ko uli, sisiguraduhin ko na mahuhuli ko na siya.”  Sabi ko. Tiningnan niya muna ako saka tumango.

“Naku! Mag-iingat ka rin, Red..” paalala ni Mam.

“Opo, Mam. Salamat po!”

Sa bahay, pinag-isipan ko kung ikukuwento ko sa kanila ang ginawa kong…kabayanihan ba iyon o katangahan. Naisip kong hindi na lang. Baka ikasama na naman ng loob ng gf kong selosa. Nakipagkuwentuhan na lang ako sa kanya habang gumagawa ako ng mga assignment.

“Bakit?” tanong ko sa kanya.

“Wala!” Ngumiti pa siya.

“Wala? E, panay ang tingin mo sa akin. May muta ba ako?”

Tumawa siya. “Wala! Gwapong-gwapo lang ako sa’yo.’’ Sabay tawa.

“E, bakit ganyan ka makatawa?”

“Kinikilig lang. Kaw naman. Sige na, gawa ka na. Hayaan mo ng titigan ko ang gwapo kong boyfriend.”

“Sus. Kakaiba ka ngayon ha. Gusto mo kilitiin na naman kita?”

“Wag hoy! Ang harot mo. Mahiya ka sa mga parents mo.”


Nagtawanan na lang kami. Bawal nga pala.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...