Alas-diyes, pagkaalmusal ay nagbasa ako ng mga libro ko. Kailangan ko kasing habulin ang mga lessons na na-miss. Hindi naman ako inistorbo ni Dindee. Ako na lang ang lumapit sa kanya nang matapos na kami.
''Dee, biking tayo?" yaya ko sa kanya.
Tumawa muna siya. "Nagbibiro ka ba? E, di ba masakit 'yang binti mo?"
Ngumiti lang ako. "Oo! pero, kaya ko namang pumedal."
"Huwag na muna ngayon. Next week na. Simba na lang tayo. Ang Mommy at Daddy mo, nagsimba na kanina."
"Oo nga. Hindi na daw nila ako ginising."
"Simba o biking?"
Nag-isip ako kunwari. "Both!" Tapos, ngumiti pa ako ng mag pagkapilyo.
Pinagpaalam ako ni Dindee kina Mommy at Daddy. Hindi siya pinayagan kaya ako na ang dumiskarte.
"Sige kayo, pag di niyo po ako pinayagan, baka malumpo ako." Tumawa pa ako.
"Uy, uy! Red, huwag kang magbiro ng ganyan, Words are powerful!" Sawata sa akin ni Mommy.
"Huwag ka nang magpumilit anak. Di ka pa lubos na magaling e." si Daddy naman.
"Ayan! Sabi ko sa'yo, e. Tigas kasi ng ulo mo."
"San banda?"
Napatawa ko silang tatlo.
"Yehey! Pumapayag na sila! Tara na Dindee!" Tumalikod na ako.
Narinig kong nagsalita pa si Daddy. "Red, manang-mana ka talaga sa pinagmanahan!"
Narinig ko rin ang tsk tsk mula kay Mommy. "Sige na , Dee. samahan mo na. Ingat kayo, ha?"
"Opo, Tita! Thanks!"
Hindi naman kami lumayo ni Dindee. Sa palibot lang kami nag-bike. Tapos, kalahating oras lang.
Hapon, nagsimba kami ni Dindee. Pinasalamatan ko sa Diyos ang aking pangatlong buhay.
Followers
Sunday, February 22, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment