Kahapon, pagdating ni Dindee ay malungkot akong bumati sa kanya para iparamdam sa kanya na may problema akong dapat pag-usapan.
"O, napano ka? Anyare?" usisa ni Dinde.
Hindi ako nagkamali ng akala. Napansin niya ang kalungkutan ko. "Si Riz.."
Hindi pa ako tapos magsalita ay kumurba na agad ang mga kilay niya. "Hay, naku! Nagpapatalo ka kasi. Dapat ginagalingan mo." Tumalikod na siya at pumasok sa kuwarto niya.
Nag-isip ako kung itutuloy ko pa.
Bago siya nakalabas na muli, may desisyon na ako. Sa dinner ko na lang iyon sasabihin. At least maririnig nina Mommy at Daddy. Iyon naman ang pangako ko sa kanila--- ang maging tapat.
Sa hapag, nagtapat ako. Inumpisahan ko sa oras na kaming tatlo nina Gio, Riz at ako ay nagmeryenda ng burger.
Walang kibo si Dindee habang pinapayuhan ako ng mga magulang ko. Alam ko sumama na naman ang loob niya.
Wala kaming kibuan hanggang sa magpatay kami ng ilaw para makatulog. Pero, hindi ako nakatulog. Dinalaw ako ng konsensiya.
Kanina, pagkatapos ng klase niyaya ko si Mam Dina na dalawin namin si Riz. Hindi siya nagdalawang-isip.
Sa ospital, agad na tumulo ang mga luha ni Riz ng makita ako. Nang lumapit ako, pinilit niya akong yakapin. Nakakahiya man ay pumayag ako.
"Red.. Red, wag mo akong iwan. Red.." Iyak siya ng iyak. Nakakaawa. "Natatakot ako, Red."
Lumapit na sa amin ang ina ni Riz at humingi ng paumanhin sa amin.
"Wala pong problema." Si Mam Dina ang sumagot. "Riz, magpakatatag. Nandito lang kami para sa'yo."
Sa akin pa rin nakatingin si Riz kahit umiiyak. Lalo tuloy akong nakonsensiya.
Kahit nang nakauwi na ako, inuusig pa rin ako ng konsensiya. Alam kong, kasalanan ko.
Si Dindee naman ay nakikisabay pa. Hindi ako kinikibo. Malamig na ang pakikitungo niya sa akin.
Oh, God.. bakit po ganito?
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment