Followers

Tuesday, February 17, 2015

Negative O: "Kapag Bukas ang Kaban, Nagkakasala Sinuman."

"Kapag bukas ang kaban, nagkakasala sinuman."

Hindi rin!

Hindi man lahat ay magnanakaw, lahat naman ay madaling matukso. Sino ba naman ang hindi masisilaw sa kinang ng pera? Lalo na't nakabukas na o kaya ay nasa harapan mo pa. Naku! Tiyak ako, kukupit at kukupit ang sinumang makakita.

Kahit nga nakasara pa ang kaban, kung talagang intensiyong nakawin ang laman nito, pwedeng-pwede. May tao talagang gahaman sa pera ng iba. Hindi naman kanya ay pinag-iinteresan.

Bilib ako sa taong ni isipin niyang umitan ang pera ng iba ay hindi magawa, dahil sa respeto sa sarili at kapwa. Iyan si Honesto! Nakasara o nakabukas man ang kaban, hindi niya kukupitan.

He he

No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 11

  Elias Maticas 11   “Kaya mo pa ba, Elias?” tanong ni Papay Oliver pagkalabas nila sa bakuran nina Tio Gadoy at Tia Mameng. Nakaakbay i...