Followers

Saturday, February 7, 2015

Hijo de Puta: Noventa y uno

Nalungkot ako sa nangyari. Hindi agad ako nakaisip ng tama. Ginusto kong sundan ang dalawa pero hindi ko nagawa. Naisip ko na tama na iyon. Siguro nga pareho kaming nasaktan ni Lianne.

Lumipas ang mga oras, siya pa rin ang laman ng isip ko. Kahit nung gabing sumasayaw ako sa entablado, siya pa rin ang laman ng utak ko. Hindi ko na nga alintana ang libog na nararamdaman ng mga parokyano.

Malungkot na maharot ang musikong pinili ko kaya naramdaman ko ang kawalan ni Lianne. Pakiramdam ko, nasa loob lang siya ng bulwagan, nanunuod, naghihintay na lapitan ko at hayaan siyang laruin ang pagkalalaki ko. 

"Igiling mo pa, Mr. Hardlong!" sigaw ng isang matandang bakla. Saka lamang ako natauhan.

Ilang minuto na lang naman ang tiniis ko. Itinodo ko na ang performance. At bago natapos ang tugtog, wala na ang kapiraso kong saplot, naiwan sa entablado. 

Hindi ko na narinig ang hiyawan ng mga malilibog. Dumiretso ako sa dressing room at humagilap ng masusuot.

"Anong nangyayari sa'yo, Hector?!" Narinig ko sa may pinto si Mama Sam. May inis sa boses niya. "Hindi ako nalibugan sa ginawa mo."

Humarap ako at tumambad sa kanya ang galit ko pa ring alaga. "Hindi ba? Problema mo na 'yun!" Tumalikod uli ako at nagkalkal sa cabinet. Maya-maya, nasa likod ko na siya, hawak-hawak ang alaga ko. "Shit! Lumayo ka. Putang..!"

“Akin ka ngayon, please.."

"Tang ina! Sabi mo di ka nalibugan! Ang libog mo pala, e . Lumayo ka nga! Hindi pa kita napapatawad. Ikaw ang dahilan ng paghihiwalay namin ni.." Hindi ko na itinuloy. Nagbihis na ako ng boxer shorts at lumabas ng dressing room.Narinig kong nagso-sorry pa si Mama Sam.


Pinilit kong kumonekta sa mga customer para kumita ako. Gusto ko kasing makaipon para magbakasyon ng ilang araw sa probinsiya.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...