Pumasok na si Riz kanina. Pumasok na rin si Dindee. Kaya
lang, hindi pa rin niya ako kinikibo. Maghapon ko din siyang sinuyo sa text at
tawag pero wala pa ring epekto.
Naisipan kong puntahan siya sa school nila. Nagpaalam ako
kay Mam Dina. Mabuti pinayagan ako na lumabas ng school, ten minutes before
uwian.
Hindi ako nahuli ng dating. Naabutan ko ang labasan nila.
“Dee..” tawag-bati ko sa kanya. Nagtagpo ang aming mga mata.
Nakatawa siya ng magtama ang kanya sa akin. Kasama niya kasi ang mga kaklase
niya.
Huminto sila. Bigla ding nag-iba ang hilatsa ng mukha ng
girlfriend ko.
“Uy, sis. Mauna na kami! Bye, ingat kayo!” May kusa ang kaklase
niyang chubby. Sumunod na rin ang iba pa.
“Hoy! Akala ko ba magmo-mall tayo?!” pasigaw na pahabol ni
Dindee.
“Hindi na! Lugi kami. Kaw lang ang may jowa. Bye!” sagot naman
ng isang payat na babae.
“Pwede kitang samahan sa mall.” Pacute kong sabi.
Nakatingin sa mga umalis na mga kaklase si Dindee. “Hindi
na. Nagbago na ang isip ko.” Lumakad na siya. Mabilis.
“Dee..” Hinabol ko siya at naabutan. “Sorry na. Pag-usapan natin ‘to.
I love you!” Nilakasan ko ang ‘I love you’. Sapat para marinig ng mga
dumaraan.
Tuloy pa rin sa paglakad si Dindee.
“Dindee, mahal kita! Sorry na!” Mas nilakasan ko ang sigaw ko. “Dindee,
I love you!”
Humintong bigla si Dindee kaya nagmadali akong makalapit sa
kanya.
“Ang ingay mo! Ogag ka talaga, noh!” Kinurot niya pa ako sa may
tagaliran. Tapos, ngumiti siya. “Ano na? Tara na! Samahan mo ako sa mall.” Hinila
na niya ako. Hindi na ako nakapagsalita.
Hay, salamat! Okay na kami.
No comments:
Post a Comment