Lumapit uli sa akin si Jeoffrey pagkatapos nilang mag-perform. Nakipag-apir muna siya.
"Kunin ko ang number mo, tol." Nilabas niya ang lumang model ng cellphone at iniabot niya sa akin.
Tinype ko ang number ko tapos binalik ko sa kanya.
"Red! Saved!" Ngitian niya ako. "Text kita pag pumunta ako sa haybol mo."
Ngumiti din ako. "Sige, tol. Text- text! Sige, ako na pala ang next."
"Ge, tol goodluck!"
Nag-perform na ako..
Kinabukasan, nag-text na siya. Gusto niyang pumunta. Kaso nasa school pa ako. Hapon ko na siya pinapunta.
Nakilala niya ang pamilya at girlfriend ko ng mas pormal. Dati kasi ay nakikita niya lang sa MusicStram.
Naggitara lang ako habang nakikising-along siya sa akin. Gusto rin daw niya kasing maging lead singer. Kaso, drums ang instrumento niya.
Cool naman kasama si Joeffrey. Nakapalagayang loob nga siya ni Dindee. Palibhasa pareho sila ng edad. Madadalas daw siya sa amin. Okay lang amg sabi ko. Basta, kako, bawal dito ang alak at yosi. Food lang ang allowed. Ngumiti lang siya.
No comments:
Post a Comment