Followers

Tuesday, February 3, 2015

Panaginip: Sanggol

Nagkuwento ang asawa ko na ang anak daw namin ay gustong magkaroon ng alagang elepante. Natawa ako. Natuwa din ako sa ideya ng anak namin. Weird pero totoong saloobin ng isang apat na taong gulang.

Kinabukasan, nagising ako sa isang panaginip.

May nag-abot sa akin ng bagong silang na sanggol. Nakabalot siya ng puting lampin. Hindi ko pa alam noon ang kasarian ng bata. Pero, masaya akong tinanggap iyon mula sa taong di ko nakita ang mukha. Basta, umuwi na lang ako kaagad kahit medyo umaambon, kalong-kalong ang bata.

Nakita kong lumuluha ang sanggol, kahit natatakpan ng braso niya ang kanyang ilong.

Hinawi ko ang akala ko’y braso niya. Iyon pala, ilong niya pala iyon. Isa isang batang elepante. Hindi ako natakot. Mas lalo ko pa ngang naramdaman na mahal ko na siya bilang tunay kong anak.

Idinikit ko siya sa aking dibdib para iparamdam sa kanya ang aking pagtanggap at pagmamahal kahit ganoon ang kanyang anyo. Tapos, nginitian niya ako.

Maya-maya ay nasa tapat na ako ng bakuran ng aking ina. Mula sa labas ng pahigang bakal na gate, nakita ko siyang nagdidilig ng lupa kahit umaambon. Nakita ko ngang lumambot na ang bakuran namin at naging putik na.

“Ma, may sanggol po ako.” sabi ko.

Lumingon siya agad at binitawan ang hose. Kapagdaka’y nakakunot-noong lumapit sa akin. Hindi siya nainis, nagulat, natakot o natuwa man lang. Blangko ang kanyang mukha. Pero sabi niya, ‘‘Sana babae.”

“Babae po siya!” masaya kong sagot, kahit hindi ko pa alam kong babae nga o lalaki. Nahulaan ko lang. Isa pa, gusto kong tanggagpin din siya ng aking ina.

Hindi ako nabigo. Ngumiti kasi ang aking ina, bago ako gumising at bumangon para sa pang-umagang klase.

Weird, pero.. may moral lesson ba?

Ang totoong elepante ay cute,  gaya ng taong-elepante.

Oo, totoo!


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...