Followers
Sunday, February 8, 2015
Positive O: "Time is Gold."
"Time is gold."
Tama!
Ang oras ay mahalaga sa bawat isa. Hindi kasi naibabalik ang kahapon. Once na nangyari na, bahagi na lang ito ng nakaraan.
Subukan mong magpahuli sa flight, hindi ka na makakaalis, hindi ka pa makakabalik. Sa karera, oras ang pinaglalabanan. Sa basketball, may natatalo o nananalo sa loob lamang ng segundo. Sa trabaho, kino-compute ang bawat minuto. Kaya nga may undertime at overtime. Mayroon ding nagki-killing time tapos tumatanggap ng mataas na suweldo.
Kahit kilala tayo sa pagkakaroon ng Filipino time at Maniana habit, labis pa rin ang paghihintay natin sa oras. Kaya nga lahat na halos ng teknolohiya ngayon ay may time o timer gaya ng computer, laptop, tablet, cellphone, ipad at iba pa.
Isipin mo: may orasan na nga may kalendaryo pa. Ganyan tayo magpahalaga ng panahon at oras.
Pero, teka... pinahahalagahan nga ba? Parang hindi.
Bakit may nagsasabing "Wala akong magawa, e."? Andaming puwedeng gawin sa isang oras. Marami tayong magagawa o matatapos sa bawat sandali. Kaya nga may tinatawag na time management. Diskarte lang 'yan.
Time is gold talaga. Ituring natin itong mahal at mahalaga. Habang malakas at bata pa tayo, huwag patayin ang oras, kasi pag patay na tayo, wala nang time para ulitin ang hindi pa natin nagagawa. Time's up na e. Hindi natin alam kung kelan tayo magi-game over kaya dapat habang may oras... pakinabangan na natin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment