Sinipat-sipat ko kanina sa salamin ang mukha ko. Parang na-dislocate yata ang panga ko. Lumubo. May mga violet pa ako sa mukha. May mga galos din ako sa braso.
Pero, kahit ganito, hindi na ako pwedeng umabsent pa. Kailangan ko nang pumasok. Mabuti nga at nabawasan ang sakit ng binti ko kapag naglalakad ako. nakatulong yata ang pagba-bike ko kahapon.
Sa school, andaming tanong sa akin ng mga kaklase ko. Awang-awa sila sa akin and at the same time ay humanga sila sa katatagan ko. Si Mam Dina naman ay nagpayo. Maging maingat na daw ako, pati ang iba, hindi lang daw ako.
Nang mag-recess, nagkaroon ng chance na makalapit si Riz sa akin sa may upuan ko. "Sino ba ang suspect mo? Pareho ba tayo ng iniisip?" tanong niya sa akin.
"Oo. Pareho! Si Leandro ang may pakana nito. Hindi ko lang masabi kina Mommy, lalo na kay Dindee. Bahala na! Bahala na sa kanya ang Diyos." nasabi ko na lang.
"Tama ka, Red! Pareho na tayong mag-iingat."
"Oo, Riz.. lalo ka na.."
Uwian. Inalalayan ako nina Gio, Nico at Rafael sa pagsakay ng dyip na para bang lumpong-lumpo ako. Kakaiba ang concern nila sa akin. Nagtawa tuloy ako. Nagtawanan kami sa loob nang nakaupo na kami. Akala daw nila ay masakit pa ang katawan ko.
Sa bahay naman, mga magulang at gf ko naman ang nagtanong. Sobrang alala nila sa akin. Minsan, OA na. Pero, naunawaan ko naman sila. Ayaw lang nilang mabangasan uli ang pogi kong mukha. Jeje
No comments:
Post a Comment