Tingnan mo nga naman ang mga netizens! Dahil lang sa kulay
ay nagkakagulo na ang mundo.
Noong ika-26 ng Pebrero taong 2015, nag-upload ang
nagngangalang “Swiked’ sa Tumblr, isang microblogging platform at social networking website na binuo ni David
Karp at pag-aari ng Yahoo! Inc., na naging dahilan para maging
mainit at katawa-tawa ang debate kung ang picture ng dress na in-upload niya ay
kulay ‘white and gold’ o blue and black’.
Tila nahati ang mundo. Dati ay kulay puti at itim lang ang
nagtatalo kung sino ang tunay na may-ari ng isang lupain o teritoryo, ngunit
ngayon, tila nagbago na ang pinag-dedebatehan.
Nakakatawa na nakakainis ang reaksiyon ng mga netizens. Sa dami
ng social and economic issues sa mundo, (kahit sa Pilipinas na lang) ang mga tao
ay nadawit pa sa isyung ito.
.
Sino ba naman kasi ang hindi magkaka-interes? Ang color
blind siguro.
Ilang araw lang ang lumipas, samu’t saring meme, opinions,
criticisms, etc, ang lumabas sa internet. Nagmahal na rin ang dress. Sa sobrang
sikat na ng dress na iyon ay pumalo na milyong-milyong piso na ang halaga nito
sa merkado. Ganun lang kabilis?! Sinong kaya ang bibili?
Hindi ko bibilhin, kahit ako’y mayaman. Boboto lang ako.
Namili nga ako. Sabi ko’y “white and gold”.
Tama naman ako ayon sa isang poll. Pero, ayon sa isang scientific
explanation, blue and black daw ito. May nagsabi pa na nakaapekto ang lighting
sa kulay ng damit. Pero, ang tanging makakasagot lamang nito ay ang gumawa o
ang may-ari niyon. Siya ang may pakana nito. Alam na alam niya ang kulay ng
dress na iyon. At kung anuman ang intensyon
ng uploader nito, hindi natin siya masisisi. Hindi natin siya pwedeng kutyain.
Ang Great Dress Debate of
2015 ay nagdulot lamang ng pagkalito sa mga tao. Anumang kulay ng dress na iyon
ay hindi mahalaga.
No comments:
Post a Comment