Gulat na gulat ang mga pinsan, tiyo, tiya at lolo't lola ko sa pagdating
ko. Sabi ko'y magbabakasyon lang ako ng ilang araw. Sabi naman ng lola ko,
bakit di ko na lang daw gawing isang buwan.
"Hindi po pwede, Lola. Iyon lang po ang paalam ko sa boss ko."
"Anong bang trabaho mo dun sa Maynila, apo?" tanong ng 63 years
old na lola.
"A.. call center agent po."
"Ano ba 'yun, Hector?'' Si Lolo naman ang nagtanong.
Ipinaliwanag ko ng husto at pauli-ulit. Di kasi agad nila
maintindihan.
Kinagabihan. Isang masaya at maingay na inuman ang nangyari. Ang tindi
ng mga pinsan at mga kababata ko sa inuman. Hindi malasing-lasing. Pasimple na
nga akong sumuka sa dilim, sila ay buhay pa. Tindi!
Kinabukasan, hang-over ang nangyari. Masuka-suka pa rin ako. Naghanap ng
malamig ang sikmura ko. Wala namang ref sina Lola kaya naghanap ako ng
mabibilhan ng yelo.
Sa isang sari-sari store ako nakarating.
"May yelo po kayo?" pasigaw kong tanong. Wala kasing
bantay sa tindahan.
Maya-maya ay lumabas ang isang dalaga. Maganda. "Meron.
Ilan?"
"Isa lang. Magkano?"
"Tres!" sabay talikod para kumuha ng yelo.
Nakita ko ang maumbok at bilugan niyang puwit at ang makikinis na binti.
Inabangan ko ang pagbalik niya. Naihanda ako na rin ang pambayad ko.
"Eto na po!"
Tinitigan ko siya. Maganda. Morena. Makinis ang mukha. Nasilip ko pa
mula sa kanyang spaghetti ang malulusog na dibdib. Mapapadalas ako sa tindahang
ito, nasabi ko sa isip ko.
Pag-uwi ko, parang nakalimutan ko ang hang over ko. Parang nawala na,
nang makita ko ang magandang babae sa tindahan. Gayunpaman, uminom pa rin ako.
Pagkatapos ay pumunta ako sa bahay ng pinsan kong si Buboy.
"Boy, may dalaga pala diyan sa Helen's Store. Kilala mo
siya?"
"Oo naman, Kuya! Syota yun ni Kuya, e! Type mo din?"
Natawa ako tapos nalungkot. "Hindi. Nagandahan lang
ako." Sige, salamat! Asan nga pala sina Tiyo?"
"Nasa bukid na. Nag-almusal ka na, Kuya?"
"Hindi pa. Pero, ayoko muna." Nagpaalam na ako
sa dise-siyete anyos kong pinsan.
Nawalan ako ng sigla. Akala ko mai-enjoy ko ang bakasyon ko. Gusto ko
sanang makalimutan si Lianne sa pamamagitan ng dalagang nasa tindahan. Hindi na
pala pwede. Sayang!
No comments:
Post a Comment