Followers

Sunday, February 8, 2015

Negative O: "Love is Blind."

"Love is blind."

Hindi rin!

Alam naman ng iba kung sino at ano ang katayuan sa buhay ng minamahal nila, pero pinili pa rin nila. Kahit alam na hindi sila bagay o hindi pwedeng mag-work ang relasyon nila, sige pa rin sila. Tapos, sasabihin nila, bulag ang pag-ibig.

Oo, totoo 'yan para doon sa mga totoong pisikal na bulag. Pero sa mga nagbubulag-bulagan, ang tawag sa kanila ay malaking tanga. Oo, tanga! Tanga sila dahil pinagpipilitan nila ang hindi pwede o ang imposible. 

Doon naman sa nagsasabing nabulag sila sa pisikal na anyo ng isang tao, sana magkatotoo. 

Hindi bulag ang pag-ibig. May tao lang talagang nagbubulag-bulagan kapag umiibig. 

Hehe

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Hunyo 2026

Hunyo 1, 2026 Parang hindi naman ako nakatulog kagabi. Pagising-gising at pabaling-baling ako kasi ang mga panaginip ko ay parang totoo. P...