"Red.." tawag sa akin ni Riz, mula sa likod ko. Palabas na ako nun, kanina
para mag-CR.
"O, Riz?" Bumalik ako para harapin siya.
"Free ka ba mamaya?
Pag-uwian? Treat sana kita ng burger."
Napakamot ako sa ulo. "Ha? A..e, baka hanapin ako ni
Dindee."
"Ganun ba?" Nalungkot
siya. Papasok na sana sa classroom.
Naisip ko namang pagbigyan siya
kahit kalahati o isang oras. "Riz!? Sige, free ako."
Siyempre kasama namin si Gio.
Package deal kami ng best friend ko. Hindi pwedeng hindi siya kasama. Mabuti,
pumayag si Riz. Saka sabi ko, kahit ako na lang ang magbayad.
Sa Minute Burger lang kami. Okay
na iyon. Cool naman ang lugar. Ang gusto lang naman ni Riz ay makakakuwentuhan
ako.
"Doon tayo, Red!" Tinuro ni Riz ang isang kalye na bihirang daanan ng tao at
sasakyan. May gutter pa kaya pwede kaming umupo.
Na-sense ko na ang pakay ni Riz,
kaya pinahiram ko kay Gio ang cellphone ko at hinayaan ko siyang mag-games.
Kami naman ni Riz ay
nagkuwentuhan.
"Red, thank you at
pinagbigyan mo ako."
"Ayos lang. One hour lang
naman. Hindi na ito malalaman ni Dindee."
Bumuntong-hininga muna siya. "Red.. sorry sa nangyari sa'yo.
Alam kong si Leandro ang may gawa niyan sa'yo.."
"Wag mong isipin 'yan. Hindi
ka dapat nagso-sorry sa akin." Hindi ko
namalayan na naabot ko ang kamay niya. Hindi naman siya tumanggi. "Sorry." Bahagya kong ibinaba ang kamay niya.
Naphiya kami pareho.
Dumaan ang mga anghel.
Maya-maya, sumigaw si Gio.
Na-overwhelm sa nilalaro niya. Nagtawanan tuloy kami ni Riz.
"Red, sana..." Tumingin siya sa akin. Tapos, napipi siya. "Sana.."
"Sana ano?"
"Sana, maging matagal pa
kitang makasama. Alam ko kasi na magkaiba tayo ng course na kukunin sa college.
Sana, extended ang school year. Sana..di muna tayo grumadweyt...para makasama
pa kita ng matagal."
Wala akong nasabi. Hindi ko
maaaring tanggapin ang kanyang mga pangarap. Si Dindee ang laman ng puso
ko.
Matagal kaming naging tahimik
pagkatapos niyang sambitin ang kanyang mga nais. Hanggang sa magyaya na siyang
umuwi. Hindi na siya nagpahatid. Naglakad siya, palayo sa amin. Alam ko, hindi
pa siya uuwi sa bahay nila.
Nalulungkot akong sundan siya ng
tingin habang papalayo siya sa amin. Alam ko nasaktan ko na naman siya. pero,
tama lang ang ginawa ko. Hindi ko siya dapat na binigyan ng pag-asang mahalin
ako.
No comments:
Post a Comment