Followers

Tuesday, February 3, 2015

Redondo: Blotter

“Hello, Red? Sa’n ka? Alas-tres na, wala ka dito sa bahay” Si Dindee. Tila nag-aalala siya sa akin.

“Dee, makinig ka.. Andito ako ngayon sa police station.”

“Bakit? Anong nangyari?”

Lumabas ako para di ako makakuha ng atensiyon. Nagte-testimony kasi si Riz sa dalawang pulis.

“Huwag kang magagalit, ha?” kako.

“Bakit nga? Sabihin mo na kasi!” Medyo nag-iba ang boses niya. Alanganin.

“Basta, wag kang magagalit..”

“Oo na! Bakit ka nga nandiyan? Saan ba ‘yan?”

“Si Riz..sinamahan ko siyang magpa-blotter. Nakita namin si Leandro. Gusto… Dee? Hello? Sabi mo hindi ka magagalit.”

“Sabi ko na sa’yo, lumayo ka sa kanya, e! Gusto mo talaga ang napapahamak ka!” Mataas na lalo ang boses niya.

“Dee, okay lang naman ako. Hindi ako napahamak. Dee, sorry na. Tumulong lang naman ako. Hello, Dee?” Wala na siya. Hindi ko na rin makontak.

Hinintay ko lang na sunduin si Riz ng kanyang ama, saka ako umuwi. Iniisip ko si Dindee. Nalungkot ako. Dapat pala hindi ko sinabi.

Pag-uwi ko, hindi ko naabutan si Dindee. Hindi ko na rin siya makontak. Bukas nga ang pinto ng kuwarto niya, wala naman akong clue na nakita kung nasaan siya. Iniisip ko na lang na nagpalipas ng sama ng loob sa park.

Pero, gabi na, wala pa si Dindee. Nag-ri-ring na ang cellphone niya, kaya lang ayaw niyang sagutin. Tinext ko na lang. Nag-sorry ako at nagpaliwanag. Kinausap ko na rin sina Mommy at Daddy.

Alas-nuwebe nang agtext si Dindee kay Mommy. Nag-apology. Hindi daw muna siya uuwi. Nasa bahay lang siya ng kaklase niya. Kahit paano ay gumaan ang loob ko. Bukas na lang kami mag-uusap, pag-uwi niya.




No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...