Followers

Sunday, February 8, 2015

Negative O: "Money Can't Buy Happiness."

"Money can't buy happiness."

Hindi rin!

Lahat na halos ng kaligayahan sa mundo ay dahil sa pera. Kaya nga marami ang nagkakasala, magkapera lang. Andaming nanloloko ng kapwa magkamal lang ng kayamanan. 

Kapag mayaman ka o maraming pera, kayang mong bilhin ang mga hinahangad mo, kainin ang lahat ng gusto mo at puntahan ang mga lugar na nais mo. Kapag may salapi ka, maligaya ka. Hindi ka makakaramdam ng kawalan. Marami kang kaibigan. Marami kang kakilala. Maraming pwedeng gawin na hindi nagagawa kapag walang pera. 

Bawat galaw mo pa naman ngayon ay kailangan ng pera. Sige nga, pumunta ka sa mall nang walang pera. Mag-window shopping ka. Pag-uwi mo, tiyak ako, subsob ang balikat mo at masakit ang puso mo. 

See? Nakakapagpalungkot ang kawalan ng pera. Nakaka-stress.

Gayunpaman, hindi ko naman sinasabing, hindi na tayo pwede maging masaya kahit walang pera. Pwedeng-pwede! 

Hindi naman nabibili ang 'contentment'. Kung tatanggapin lang natin ang pagiging wala o pagiging mahirap, magiging masaya tayo. Forever.

Yes, money can't buy happiness. Sa kabilang banda, totoo naman.

Wala naman kasing tindahan ng 'happiness'. Nasa puso na natin ito.

Hehe

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...