Followers

Saturday, February 21, 2015

MGA HAIKU NI MATAKA O.

AKO

Tahimik ako
Sabi nila, matalino
Yan ang totoo.

GURO
Kahit Sabado
Maging araw ng Linggo
Puro trabaho.

BALAKYOT
Nakakayamot
Katauhang balakyot
Wala pang takot.

KAIBIGAN
Sa tawanan man
Maging sa mga kainan
Kasama’y sila.

RUBY
Katulad nila
Ikaw ay mapaminsala
Pinas, sinira.

AMBISYON
Lahat ay meron.
Gaano man katayog
Abuting pilit.

PERA
Kailangan ka.
Nakapagpapasaya
Sa iba, d'yos ka.

EDUKASYON
Ang buhay natin.
Habambuhay, gamitin
At pataasin.


ANG INIT!
Isigaw mo pa
Sakaling marinig ka
Ng Haring Araw.


PAARALAN
Dito dudunong
ang kaisipang pulpol
Tatalino pa.

MAG-AARAL
Magsumikap ka't
mag-aral mabuti
Pangarap, kamtin.

GURO
Tuturuan ka
ng tamang disiplina
at mga aralin.


MISS KITA
Nung umalis ka

ako'y naging masaya.

Ngayo'y miss kita.


Bakasyon

Matinding init
ay aking natakasan 

doon sa s'yudad.



Pag-ibig 

Ang pag-ibig mo
ay hindi pagmamahal,
kundi pangarap. 



Haiku ng Puyat

Gabing-gabi na,
Antok, ayaw dalawin,
Araw, parating.

Bukas, matamlay,
Trabaho'y mapipilay,
Mata'y aandap.



No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...