Followers

Saturday, February 14, 2015

Negative O: "Kapag Binato Ka ng Bato, Batuhin Mo ng Tinapay."

“Kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay”

Hindi rin!

Isang malaking kamartiran ang bagay na ito kapag sinunod mo. Hindi lahat ng tao ay mapagparaya o mapagpatawad. Hindi sa lahat ng oras ay kaya nating tanggapin ang ibabato nila sa atin. Nakakapuno din kaya, lalo na kapag paulit-ulit na lang ang kanilang pambabato. Lalong-lalo na siguro kung kahit wala na tayong ginagawa laban sa kanila ay binabato pa rin tayo.

Hindi laging tinapay ang hawak natin. Kapag galit tayo dahil sa kasamaan nila, kung ano  na lang ang madampot  o ang masabi, okay na iyon, basta makaganti lang tayo.

Kaya kung babatuhin natin sila ng tinapay, sisiguraduhin nating may palamang bato, para at least may almusal na sila, may bukol pa. Kape na lang ang kulang. E, di lamay na.


He he.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...