"Nak.. pwede ba kitang makakuwentuhan?" Nagulat ako sa presensiya ni Mommy. Kaya, pala pumasok na si Dindee.
Nilinis ko muna ang lalamunan ko. "Sige po."
"Pumasok na si Dindee sa kuwarto niya. Nag-goodnight na ba sa'yo?"
Tumawa ako. "Hindi pa po."
"Red, ano nga pala ang sabi ng boss mo nang dumalaw sa'yo?"
"Magpagaling daw po ako kaagad kasi baka hanapin na ako ng mga customers."
Wala akong idea na may gusto pa lang itanong si Mommy tungkol sa isang bagay. Alam ko nabasa niya ang journal ko. Alam na niya ang ginawang kababuyan sa akin ni Boss Rey.
"Nak, wag mong solohin ang problema." Mas lumapit pa sa akin si Mommy at inakbayan niya ako. "Nandito lang kami ng Daddy mo. Si Dindee, nariyan din para sa'yo.." Ramdam ko na ang panginginig ng boses ni Mommy.
"Mommy, huwag niyo po akong alalahanin."
"Red, hindi mo maiaalis ang pag-aalala sa akin, sa amin ng Daddy mo. Alam mo bang halos ikamatay ko din ang nangyari sa'yo?" Humikbi na siya. Alam kong tumulo na ang mga luha niya.
"Mommy. Hindi ko nga po alam kung bakit ako ang laging nabibiktima. Hindi naman ako gumagawa ng masama sa kapwa ko."
"Anak, lagi kang mag-iingat. Lagi kang magpi-pray. Huwag kang maglihim sa amin ng Daddy mo. Wala namang magmamalasakit sa'yo kundi kami. Anak..please, mangako ka na hinding-hindi mo ililihim ang mga nangyayari sa'yo. Ayaw na naming may mas malalang mangyari pa sa'yo.."
Hindi na ako nakapagsalita. Naiyak na rin kasi ako. Alam kong nagkamali ako. Hindi ako dapat naging malihim sa kanila. Malay ko bang baka si Boss Rey ang may pakana ng pambubugbog sa akin.
Tama si Mommy. Hindi ako dapat na maglihim sa kanila.
Hindi na ako maglilihim pa sa kanila. Ipinapangako ko.
No comments:
Post a Comment