Followers

Wednesday, February 4, 2015

Redondo: Moral Support

Hindi ako nakatulog ng husto kagabi. Dalawang babae kasi ang nasa isip ko –sina Dindee at Riz.

Oo, alam kong magagalit si Dindee kapag nalaman niya na may koneksyon pa rin ako kay Riz, pero sinamahan ko pa rin siya. Nanaig lang naman sa akin ang pusong matulungin. Kailangan ng dati kong mahal ang tulong ko at moral support. Nasa bingit siya ng kalungkutan, kabiguan at takot, kaya sa palagay ko ay hindi masama ang aking ginawa. Isa pa, matagal ko na siyang pinalaya. Wala naman talaga kaming koneksyong matibay, kundi ang aming pagiging maging magkaibigan.

Gayunpaman, kailangan ko pa ring suyuin si Dindee. Ako pa rin talaga ang lalabas na may mali.

Kanina, paggising ko, tinext ko si Dindee. Apologies ang mga sinend kong message sa kanya. Pinauuwi ko na siya.

Hindi siya pumasok, alam ko.

Hindi naman siya nag-reply.

Sa school, hinanap ko kaagad si Riz. Absent siya. Mabuti naman. Kailangan niyang ipahinga ang kanyang isip. At habang wala siya sa school, sana ay mahuli na si Leandro upang maibalik sa DSWD. Hangga’t nasa labas siya, hindi mapapanatag si Riz at ang lahat ng magmamahal at nagmamalasakit sa kanya.

Nasa bahay na si Dindee, pag-uwi ko. Hindi nga lang niya ako pinapasok sa kuwarto niya. Kahit anong pakiusap ko at sabihin ko, hindi niya ako pinansin. Kaya, gaya ng dati, dinaan ko sa gitara at musika. Tinugtugan at kinantahan ko siya ng mga apologetic songs.

Antagal kong naggitara. Halos maubos na ang mga kanta kong alam, para sa paghingi ng sorry. Naabutan na rin ako ni Mommy.


“Hayaan mo na muna siya, Nak.” Bulong sa akin ni Mommy. Pinisil niya ang balikat ko.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...