Sa klase kanina, napansing kong wala sa sarili si Dindee.
Hindi siya nakikinig sa mga teachers namin. Hindi nga niya nasagot ang tanong ni Sir sa
Math. Nag-sorry lang siya.
Kaya nang dumating ang recess, palihim akong lumapit sa
kanya. “Musta? Okay ka lang ba? May sakit ka ba?” Sinabi ko iyon in a
nice way.
Tumingin muna siya sa akin at sa mga katabi niya. Tapos,
umiling siya.
“Sure ka?” Hindi kasi ako naniniwala na okay lang siya. Hindi
siya mukhang may sakit. Halatang balisa siya.
Wala akong nagawa. Ayaw niyang magsabi, e. Bumalik ako sa
upuan ko. Pero, maya-maya ay tumunog ang cellphone ko.
“My prblma aq” Text niya sa akin.
“Anu?”
“My ntnggap akong sulat frm leandro. basaHin mo.”
Gumawa ako ng paraan para makalapit ako sa kanya at makuha
ko ang sulat. Tapos, palihim ko ring binasa.
My Dearest Riz,
Kumusta
ka na mahal ko? Miss mo na ba ang mga yakap ko? Ako, miss na miss kita. Sobra!
Kaya nga ako tumakas sa DSWD para sa’yo. Huwag kang mag-alala. Lagi kitang
binabantayan. Dito lang ako sa tabi-tabi. Ayoko kasing maagaw ka ng iba, lalo na
ng gagong si Red!
Mag-iingat ka lagi. Mahal na
mahal kita.
Nagmamahal,
Leandro
Shit! Pusang gala! May sapak talaga ang lokong yun! Baliw na
baliw talaga kay Riz.
Hindi na uli kami nagkaroon ng chance na mag-usap ni Riz.
Pero, tinext ko siya. Sinabihan ko siya na maging maingat. Pinakiusapan ko rin
si Roma na huwag mawawala sa paningin niya ang bff niya. Iba kasi ang kutob ko kay Leandro.
Sa bahay, apektado ako ng problema ni Riz. Siyempre, hindi
ako pwedeng magkuwento kay Dindee, kaya kay Daddy ako nagkuwento dahil
magkausap na naman sina Mommy at Dindee.
Tulad ng inaasahan ko, ang payo ni Daddy ay bantayan ko si
Riz. May malaking bahagi daw akong papel na gagampanan sa buhay niya. Sikapin
ko daw na magkuwento si Riz sa kanyang mga magulang at sa mga teachers nila
para matulungan siya. Makakatulong kasi sa problema ang pamilya, kaibigan at
mga guro. Tama naman siya. Na-realize ko nga na dapat din pala akong nag-confide.
Hindi ko nga lang ginawa. aSabagay, di ko na problema masyado ang problema ko.
No comments:
Post a Comment