Napansin mo ba ang dalawang honor guards na nagbabantay sa monumento ni Rizal sa Luneta? Naaawa ka ba sa kanila?
Isang araw ay na-realize kong nakakaawa sila. Tirik na tirik kasi ang araw. Hindi sila halos gumagalaw habang nakatayo na parang poste at nakapuwesto ang kanilang M1 Garand rifle sa kanilang balikat. Naisip ko pa nga, paano kung umuulan? Paano kung bumabagyo?
Oo, nag-research agad ako sa Google tungkol sa kanila. Napag-alaman kong dalawa't kalahating oras silang magbabantay sa labi ng ating pambansang bayani. Bawal silang mag-usap. Tikas-pahinga lang ang pahinga nila. Tapos, pagkatapos ng isa o isa't kalahating oras, saka pa lamang silang pwedeng mag-rifle exhibition, lalo na kapag maraming turista sa parke.
Ang hirap, di ba?
Oo, mga battle-tested marines sila. In short, sumabak na sa giyera o laban. Corporal o sergent na ang kanilang ranggo. Pero, mas pinili nilang magbantay sa patay na. Hindi ko alam, kung bakit. Siguro naroon sa gayong trabaho ang thrill. Ibang reward siguro para sa kanilang sarili ang naibibigay ng ganyang uri ng trabaho.
Saludo ako sa kanila. Kahanga-hanga ang kanilang katatagan at tibay ng katawan.
Hindi ko lang lubos maisip kung bakit may ganitong uri ng trabaho. Ito lang ang tanging monumento sa Pilipinas na binabantayan ng mga honor guards, umulan man o umaraw.
Anong logic?
No comments:
Post a Comment