Followers

Sunday, February 8, 2015

Redondo: Apir

Kinausap ako ni Joeffrey kagabi habang naghihintay kami na isalang sa entablado. Gusto na daw niyang kumalas sa banda nila. Hindi naman niya sinabi ang dahilan. Pero, nahulaan ko na agad. Parang tungkol sa hatian ng kita ang problema. Ewan ko lang. Basta, iyon ang nararamdaman ko. Siya kasi ang pinakabata.

Pinayuhan ko siya. Pagtiyagaan niya muna. O kaya kausapin niya ang mga kabanda.

“Bahala na, Red! Titingnan ko. Salamat, ha?” Nakipag-apir pa siya sa akin.

“Walang problema, tol!”

Maya-maya, tinawag na sila para mag-perform. Sumunod na ako. Hinintay niya ako. Nakiusap siya sa mga kabanda niya na mag-isa na lang siyang uuwi dahil gusto niyang mapanuod ang performances ko. Pumayag naman.

Nagsabay kaming lumabas ng MusicStram. Kahit magkaiba kami ng way, nagtagal kami sa kalsada. Nagtapat na siya.

Tama ako. Tungkol nga sa pera ang dahilan. Kailangan daw niya ang pera para makapag-aral siya sa susunod na semester. Iniisahan pa siya.

“Nagsabi ka na ba sa mga magulang mo?” tanong ko.

“Oo. Kay Mama.”

“Sa Papa mo?”

“Wala na akong tatay. Matagal nang patay.”

“Sorry. E, anong sabi ng Mama mo?”

Tiningnan niya ako. “Wala. Parang wala naman sa kanya. Mabuti nga daw ay binibigyan ako. Hindi naman daw talaga ako magaling..”

Nakita kong nalungkot siya. Kaya, isang tapik sa balikat ang binigay ko sa kanya. Ramdam ko siya. Pero, hindi na ako nagkomento. Hindi ko naman kilala ang nanay niya. Siguro ay di lang sila nagkakaunawaan.

“Next time, tol. Punta ka sa amin. Jammin tayo.” yaya ko. Pinasaya ko ang tono ng boses ko.

“Sige, tol!” Lumiwanag ang mukha niya.

Naghiwalay kami na masaya na siya. Nakipag-apir uli siya sa akin.

Kanina, habang naggigitara ako ng tutugtugin ko mamayang gabi, naalala ko si Joeffrey. Naawa ako sa kanya. Hindi siguro suportado ng nanay niya ang skill niya. Sayang..


Mabuti na lang ako..suwerte sa mga magulang. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...