"Good morning, Dad!" masayang bati ko sa aking ama na noon ay busy sa pangangalikot sa kanyang mga bonsai.
"Good morning, nak! Musta? Anong nararamdaman mo ngayon?" Nilapitan niya ako para alalayang umupo. Masakit pa rin kasi ang kanan kong binti na nasobrahan sa sipa.
"Medyo nabawasan po ang sakit. Salamat!"
"Ah. Mabuti kung ganun. Nag-almusal ka na ba?"
"Hindi pa po. Ilalabas na lang daw dito ni Mommy."
Doon nga ako nag-almusal. Plano pala kasi ni Mommy na makapag-usap din kami ni Daddy.
Gaya ng kagabing usapan namin ni Mommy, iyo din ang itinanong ni Daddy. Nagtapat ako sa kanya. Mas klaro. Mas maiintindihan niya kasi ako. Tama naman ako. Naunawaan niya agad ako. Sana nga daw ay nagsumbong ako sa kanya agad para naireklamo namin. Kako, di bale na po. Hindi naman po ako napaano. Pinangako din niya na hindi niya ito ikukuwento kay Dindee.
Pagkatapos naming mag-usap, si Dindee naman ang lumapit sa akin. dala niya ang gitara ko. Miss na niya daw ang mga tugtog ko. Kaya pinaunlakan ko kaagad ng kanta. Nag-request siya. Kantahin ko daw ang "Problema Lang Yan", na second original composition ko.
Nasa labas na rin si Mommy, habang tintugtog ko ang request ng gf ko. Maya-maya ay pumatak ang mga luha ko. Naalala ko ang mga pinagdaaanan kong hirap sa mga kamay ng mga hoodlum na bumugbog sa akin. Gusto ko silang patayin!
"Red, kaya mo 'yan.." Niyakap ako ni Dindee, nang ibaba ko ang gitara. "Sorry. sana hindi na lang yan ang ni-request ko."
Okay lang naman.. Sadya talagang emotional pa rin ako..
No comments:
Post a Comment