Followers
Wednesday, February 18, 2015
Positive O: "Ang mahusay na.pinuno ay may mga kamay, gaya ng sa hardinero."
"Ang mahusay na pinuno ay may mga kamay, gaya ng sa hardinero," sabi ni Makata O.
Tama!
May green thumb ang isang hardinero. Kayang niyang pabulaklakin at palakihin ang kanyang mga tanim. Ang kanyang mga halaman ay itinituring niyang buhay, kaya makikita mo siya minsan kausap niya ang mga dahon nito at mga bulaklak. Para sa kanya kasi, ang bawat halamang kanyang itinatanim ay buhay at pag-asa, hindi lang para sa kanya kundi para sa lahat.
Sariling kamay niya ang ipinanghahawak niya sa lupa na itatabon niya sa ugat ng mga halaman. Kamay din niya ang pumuputol sa mga patay na sanga, ang nagtatanggal ng peste na sumisira sa kanyang pananim at sa pagdidilig at paglilipat nito sa magandang lugar upang makuha niya ang angkop na timpla ng init, hangin at ulan.
Ang mahusay na pinuno ay katulad ng isang hardinero. Binubuhay, pinapalaki, inaalagaan, dinidiligan, tinatanggalan ng peste at minamahal ang kanyang mga tauhan. Alam niyang ang kakayahan at kahinaan ng bawat isa. Pantay-pantay ang antas ng kanyang pagmamahal sa lahat ng kanyang alaga. Wala siyang hindi binabalewla at walang kinikilingan. Para sa kanya, magkakaiba man sila, ay pare-parehong may taglay na kagandahan. Namumulaklak man ang iba o hindi, kaya niyang ipakita sa mga tao ang kakaibang anyo nito nang may pagpupuri, dahil ang bawat isa ay nilikha para makapagbigay ng ligaya sa iba.
Ang tunay na hardinero ay may pokus sa kanyang hardin. Umaga, tangahali at maging gabi, ang nasa isip niya' y ang kanyang mga halaman. Pinoprotektahan niya ang mga ito sa init, lamig, ulan, peste at iba pang elemento upang hindi mamatay ang isa sa kanila. Para kasi sa kanya, isa mang uri ng halaman ang mawala sa kanyang hardin ay malaking kawalan para sa kanya. Para sa kanya, hindi magiging hardin ang isang lugar kung nag-iisa lang ang kanyang alagang halaman.
Ang tunay na pinuno ay may kamay ng gaya sa hardinero--- masipag, matalino, mapagkalinga, maunawain, maalaga, patas, may respeto at may disiplina.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment