Since, ayaw ni Dindee kahapon na pag-usapan namin si Riz,
tinext ko na lang siya kanina habang nagkaklase kami. Siyempre ginawa ko iyon
habang wala na akong ginagawa.
Sabi ko sa kanya na ‘’I assure you, Dindee na wala
na akong nararamdaman kay Riz, maliban sa awa at friendship.”
“I hope so..” She replied.
Hindi ko na dinugtungan. Nagtanong na lang ako kung
nagmeryenda na siya, hanggang nauwi sa kulitan sa text. Muntik na nga lang
akong ahuli ni Sir dahil ngumiti ako habang pumipindot sa cellphone ko. Bawal
na bawal pa naman iyon sa school. Mabuti, hindi lumapit si Sir sa akin. Yari
sana! Confiscated.
Sinundo ko uli si Dindee. This time, alam niya.
“Ikaw, ha, bumabawi ka ha..” biro ni Dindee habang palayo na
kami sa school niya.
“Oo naman. Masama ba?” Ngumiti ako.
“Hindi naman. Ang masama ay kung sumigaw ka na naman dito.”
Natawa ako. Naalala ko ang ginawa ko kahapon. “Hindi
na. Bati na tayo, e.” Sasabihin ko sana na nakakahiya pala. Hindi ko na
lang sinabi. At least, alam niyang hindi ko iindahin ang kahihiyan sa ngalan ng
pag-ibig ko sa kanya.
“Paano kung awayin kita ngayon dito?” Ngumiti ng pilya si
Dindee.
“Bakit mo naman ako aawayin?”
“Kasi..di mo ako niyayayang mag-meryenda e.”
Natawa ako dun. “Yun lang pala, e. Pero, mabilis lang tayo
ha? Kasi magpa-practice pa ako para mamaya sa gig ko.”
“O, sure! San tayo?”
No comments:
Post a Comment