Pitong araw din akong lantang gulay. Ang tindi siguro ng galit ng gumawa nito sa akin. Hindi ko alam kung sino siya. Ang mahalaga ngayon ay nakapagsulat na ako.
Gusto ko na lang munang sariwain ang nangyari sa akin.
Nawalan ako ng malay pagkatapos akong bugbugin ng mga hoodlum na iyon. Sina Mommy na ang nakamulatan ko nang nasa hospital na ako. Panay na nga ang tanong sa akin. Panay naman ang luha ko, gayundin sila..
Sobrang sakit! Hindi ko kayang ipaliwanag. Hindi sapat ang mahabang 'aray' para itumbas sa naramdaman ko. Akala ko nga'y katapusan ko na. Salamat sa Diyos dahil isa na namang buhay ay ipinahiram niya sa akin.
Hindi ko lang maiwasang itanong sa Kanya. Bakit ako? Masama po ba akong tao? Nasaksak na ako ni Leandro. Ngayon naman ay biktima ng pambubugbog. Wala naman akong inagrabyado.
Si Leandro ba uli ang may pakana nito? Hindi ko alam.. Pero, malakas ang kutob ko.
Hindi ko na siya mapapatawa, kung siya nga.
Nakamarka pa rin ngayon sa mukha ko ang mga pasa na dulot ng mga kamao ng malalaking taong sumuntok sa akin. Hanggang ngayon ay nai-imagine ko pa rin kung paano nila ako pinagsisipa sa lahat halos ng parte ng aking katawan. Kulang na lang ay patayin nila ako.
Oo! Tama! Gusto nila akong patayin sa bugbog. Kung hindi lang sa busina ng sasakyang narinig ko ay hindi ako nila titigilan.
Pero, kahit nakaligtas ako sa posibleng kamatayan, pakiramram ko ay naglakbay ang kaluluwa ko. Ewan, sadya lang sigurong malakas ang loob at katawan ko dahil nakayanan ko ang matinding sakit. Salamat pa rin sa Diyos.
Dapat na nga sigurong ibalik ko ang pangarap kong magpari. Sa Linggo ay kailangan kong magsimba.
Salamat sa aking mga magulang dahil hindi nila ako pinabayaan. Alam kong nasaktan din sila ng lubos sa nangyari sa akin.
Salamat din kay Dindee dahil hindi siya nagsawa sa pisikal na pag-aalaga niya sa akin. Siya na ang naging nurse ko, gaya ng dati.
Labis din ang pasalamat ko sa aking mga kaibigan, kaklase at mga ka-SSG dahil lumikom sila ng pera para makapandagdag sa mga gastusin ko. Ang galing nila.
Dinalaw din ako ng mga kaguro ni Mommy ay mga katrabaho ni Daddy. Hindi rin siyempre nawala ang mga ninong at ninong ko.
Kahapon ay dumalaw din si Jeoffrey. Noong Martes ay pumunta naman si Boss Rey. Hindi nga lang siya pinakiharapan ni Mommy at ni Dindee.
Suwerte pa rin ako. Sa dami ng mga dumalaw at nagmamahal sa akin, nakatulong ito sa pag-recover ko ng lakas.
Sa Lunes ay papasok na ako sa eskuwela. Sigurado akong marami akong na-miss na lesson.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment