Followers
Monday, February 16, 2015
Positive O: "History Repeats Itself."
"History repeats itself."
Tama!
Nauulit ang kasaysayan, gaya ng mga usong kasuotan ngayon. Katulad din ito ng ugali ng tao. Once na mabait ka, mabait ka na forever. Magalit ka man, minsan, mabait ka pa rin. Ang kabaitan mo ay magiging paulit-ulit. Kabaligtaran naman kapag ikaw ay masama. Once na may history ka na as malikot ang kamay, ikaw ay mananatiling cleptomaniac. Hindi man manatili, ay matutukso kang gawin ulit ang pagnanakaw. Once a liar, forever a liar.
Tingnan mo ang mga nasa puwesto, paulit-ulit na lang ang pagnanakaw nila sa pera ng bayan. Kahit sinong umupo, ganun pa rin. Paulit-ulit. Parang siklo.
Ang mga kaugaliang pangit na iyong tinalikuran, huwag kang umasang hindi mo na ito magagawang muli. History repeats itself, ika nga.
Kaya nga, para makaiwas sa kasabihang ito, gumawa ng mabuti. Maulit man ng maulit ang history, maganda naman ang resulta.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment