Followers

Sunday, February 1, 2015

Redondo: Goto

Pinagalitan ako ni Boss Rey kagabi. Pero, hindi naman ako tinablan. Wala lang. Pumasok lang sa isang tainga ko. Lumabas din agad sa kabila. Hindi naman niya ako tatanggalan ng trabaho. Siya pa nga ang ayaw akong paalisin.

Asar-talo nga, e.Hindi kasi ako umimik.

Pagkatugtog ko, hindi ako pumasok sa office niya. Naghintay ako sa labas. Nanuod sa performance ng ibang regular band. Tapos, nakausap ko ang kaibigan kong band member na si Joeffrey. Nagkuwentuhan kami tungkol sa Fusion. Hindi daw sila pumunta kasi tumugtog sila. Mas priority daw kasi nila ang kumita.

Ibinida ko sa kanya ang mga banda. Siyempre, hindi ko nakaligtaang sabihin na na-inspire ako.

“Bumuo ka ng banda mo.” sabi niya.

“Yun nga ang naisip ko. Kaso, wala naman akong mga kaibigan na kagaya kong tumugtog ng instrument. Kaw, tol? Paano ka napasok sa banda niyo?”

“Magkakapit-bahay kami talaga. Sinadya yata ni Lord na iadya na pagsamahin kami sa isang barangay para maging banda.” paliwanag niya. “O, kami ang tutugtog, tol.”

“Okay, goodluck!”

Pinanuod ko pa ang performance niya. Natapos na nga lahat-lahat ay di pa lumabas si Boss Rey. Kaya, pumasok na ako.

Hindi naman niya ako pinahirapan. Inabot agad sa akin. Hindi na rin siya nagsalita.

Alas-nuwebe, saka lang ako nagising. Si Dindee kasi..ang ingay! Panay ang kuwento niya kay Mommy.

“Ang ingay naman ng mga magaganda diyan.” biro ko, sabay takip ng unan sa mukha.

“Aba-aba!” si Dindee, narinig kong palapit sa akin. “Nagsasalita ng tulog..”

Ginulat ko siya bago pa siya nakapagsalita.

“Buwisit! Ay sorry!” Nagulat siya kaya kinurot-kurot ako.

Tawa ng tawa si Mommy habang kinikiliti ko pa siya.

Nag-practice uli ako ng tatlong kanta pagkatapos mag-almusal. At bandang hapon, nag-biking kami ni Dindee. Ang ganda kasi ng panahon. Hindi maaraw.

Tapos, kumain kami ng goto.

 “Salamat, Red!”

“Para saan?”

“For always being here with me..” Seryoso siya.

“Oo naman! Lagi akong nandito para sa’yo. Sorry, hindi lang kita maipasyal o mapakain sa fine dining restaurant.”

“Sus! Okay na ito sa akin! Kasama lang kita masaya na ako.’’

“Salamat naman kung ganun. Napakasuwerte ko talaga sa’yo..”





No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...