Followers

Saturday, February 7, 2015

Redondo: Artista

Tinugtog ko kagabi ang 'Tonight' ng FM Static, 'Have You Ever Really Loved a Woman' ni Bryan Adams at 'You Gave Love A Bad Name' ni Bon Jovi. Daming palakpak ang natanggap ko. Whooah! Nakakataba ng puso. 

Kaninang umaga, kinanta ko uli ang tatlong 'yun kina Dindee, Mommy at Daddy habang nasa labas kaming lahat.  

"Hindi ko gusto.. " sabi ni Dindee, nakakunot ang noo at nakatiklop ang mga braso. 

"Huh?" Nalungkot ako.. 

"Joke lang!" Bulalas niya at agad na lumapit sa akin at niyakap ako. "Hindi ko lang gusto. Gustong-gusto ko!" Bumitiw na siya sa akin. "Grabe! Nakakaiyak kang kumanta! Di ba po, Tita Remy?"

"Oo, Red! Sobra! Ikaw na!"

"Thanks po!" Medyo na-overwhelmed ako. "E, kayo po, Dad?"

"Dad!?" pasigaw na tawag ni Mommy sa kanya. Busy kasi siya sa kanyang mga bonsai. "Ano daw ang masasabi mo?"

"Ah.. Ayos! Astig! Pwede ka na sa The Voice."

Ngumiti lang ako.

"Sumali ka na kasi sa susunod. Kulit,e." si Dindee

Tingnan ko muna siya at si Mommy. Nag-aabang sila ng sagot ko. "Oo ba!" 

"Yehey!" hiyaw ni Dinde. Para siyang nanalo sa lotto."Teka, kukunin ko ang camera ko."

"Ayan tayo, e. Model na naman ang labas ko nito." Nahulaan ko kaagad.

"Sa barangay ka magreklamo! Di ba, Tita, need niya pong magpractice mag-pose kasi pag sikat na siya, dami-daming pictorials?" Kumindat pa yata siya kay Mommy.

"Korek! Sawa-sawa ka sa pictorial. At dahil dyan..kukunin ko din ang make-up kit ko."

Sabay na tumalikod ang dalawang babae. Panay ang tawa.

"Patay tayo dyan. Pagpapraktisan na naman ako.."

"Huwag ka ng umangal.'' si Daddy, tawang-tawa rin.

Hindi nga ako nagkamali. Pinagtripan ako ng dalawa. Nakisali na rin si Daddy.

Si Dindee ang photographer. Si Mommy ang make-up artist. Si Daddy naman daw ang director. Leche! Lakas ng trip ng tatlo. Naguyo ako dun, ah. Pero, ang totoo..nag-enjoy ako.Sarap palang maging artista... Jeje

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...