Followers

Monday, January 6, 2014

PAHILIS 1

KABANATA 1  

          Sabi nila ang kindergarten raw ang pinakamahalagang level ng edukasyon, dahil dito nakadepende ang pagkatuto ng isang bata. Dito dapat hinuhubog ang kaisipan ng mga bata dahil ito ang panahong tinatawag na critical stage.  

          Kaya nga ba nagsulputan ngayon ang mga nursery schools? Dahil akala nila, mas maaga, mas maganda. Asus! Tsismis lang yun.  

          Pa’no pala ako?  

          Hindi ko natapos ang isang taon sa kinder. Ni hindi ko nga nakalahati. Kaya naman, hindi ko nakilala ang teacher ko o naging teacher ko, pati kamo mga kaklase ko.  

          Hindi sa mahina ang memory ko. Wala lang talagang sapat na panahon para makabuo ng memories at experiences. Mabuti na lang kahit paano ay may naalala ako. Ito ay ang pagkamasigasig kong makakuha ng 100%.  

          Bakit?  

          Siyempre, binibili ng erpat ko! Piso bawat isa. Suhol. Parang ganun.  

          Ang paglagay ng star sa kamay ay di pa uso noon. Or I should say, hindi iyon uso sa amin. O hindi talaga modern ang kindergarten school sa amin. Public lang iyon, na kung saan volunteer lang ang nagtuturo. Umaasa lang sa contributions ng mga magulang.    

          Masipag naman ako sa pag-aaral. Lagi nga akong may 100% at very good. Kaso di naman ako binabayaran ng sapat ng tatay ko. Kapag apat o limang 100% kasi ang nati-take home ko sa isang araw, ibig sabihin apat o limang piso din iyon. Mabigat sa bulsa. E, ako pa naman kapag may incentive, pursigido ako. Pero, kahit ganon, sinisipagan ko pa rin. Hindi lang naman kasi sa baon ako pumapasok. Ako ay isang taong may pagpapahalaga sa edukasyon.    

          Ok na sana ang lahat, kaya lang sinunog ni ama ang bahay namin. Sayang! Ang ganda pa naman niyon. Perpektong halimbawa ng bahay kubo. Ang halaman doon ay sari-sari. Sinunog niya lang, kasi…    

          Ewan ko! Family problem.    

          Nahinto tuloy ako ng di oras. Kaya naman, ni pangalan ng teacher ko ay di ko maalala. Pati ang mga mukha ng mga naging classmates ko ay wala akong matandaan. Salamat sa guro kong di ko kilala, dahil kahit papaano na-retain ang guhit pahilis sa ulo ko. Siguro dapat ko ng pangalanan ang kindergarten teacher ko ng….. Teacher Pahilis.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...