Followers

Friday, January 10, 2014

PAHILIS 18

KABANATA 18

          Back to school... Second sem na. First year pa rin ako siyempre. Same school. Same course. Same classmates. Few professors are new. Some are old. He he!

          Nag-enroll ako sa NSC 2, SSC 2, ENG 2, HUM 1, MATH 2, FIL 2, PE 2 at NROTC 12. Nag-down. Presto! May class cards agad.

          Sumunod.. Musta ka? Anong ginawa mo buong sem? Hindi pa kasi uso noon ang Nokia 3310 or Nokia 3210. After two weeks noon lang kami nagkita-kita uli.

          Nakakalungkot lang dahil kumonti kami. Hindi na nagpatuloy si Ano at si Kuwan. Sayang!

          Mabuti na lang, kumpleto pa rin ang grupo kong 'Bisakol'. Bisakol, kasi mga Bikolano at Bisaya ang mga members. Bawal ag Tagalog. He he!

          Si Glenn.. Siya ang pinakaunang lumapit at nag-approach sa akin.

          Si Sheryl.. Siya ang tulay ko kay Aileen.

          Si Aileen.. Siya ang bumasted sa akin.

          Si May.. Hindi siya masalita. Medyo, bulol kasi.

          Si Maricel.. Ewan ko sa kanya!

          At ako!

          Habang lumalaon, nagkawatak-watak kami. Kanya-kanya kasi kaming may new friends. Ganun talaga. Hindi naman pwedeng kami at kami na lang lagi ang magkakadikit. Kelangang humanap ng bagong set ng mga kaibigan. Pero, at the end of the day, Bisakol pa rin kami.

          At dahil amigo't amiga ko silang lahat, sila ang priorities ko sa mga sagot ko. Bahala sila kung magpapakopya sila sa iba.

          Dahil may orihinal na grupo, nakabuo ako ng mas malaking grupo. Lalo na ng magkahiwa-hiwalay na kami ng blocks.

          Noong naka-enroll ako sa Humanities One, 50% ng klase ay bagong mukha. Ang iba ay Education students. Ang iba ay nasa higher level na.

          Nakilala ko doon ang babaeng nagpapintig ng puso ko. Salamat sa Arts! Dahil nakakatabi ko siya't nakakausap. Nakakapagpa-cute din.

          Ang visual arts ay isa sa mga interests ko kaya that time, ang subject na iyon ang pinakapaborito ko. Hindi ko pwedeng i-miss. Hindi ako uma-absent. Wiling-wili kasi ako sa paggawa ng mga artworks habang nag-e-enjoy sa pagpaparamdam sa crush ko.

          Lumaon nga, napalapit kami sa isa't isa. Lalo na't kaibigan siya ng kaibigan ko. Ayun! Gumaan ang panliligaw ko.


          Ang bilis ng mga pangyayari. Ako na ang kadalasang gumagawa ng mga artworks ng crush ko. Minsan, tulong kami.

          Ang bilis talaga... Nakarating na kami sa loverary (library). Dun kami gumagawa. Gumugupit. Gumuguhit. Nagkukulay. Nagdidikit. He he! Nagdidikit ng bagay sa bond paper through adhesive paste, glue or whatever adhesive things.

         Sa loverary ko siya tinitira. He he! Tinitira ng mga diskarte kong pamatay---- diskarteng artistic! Dun na rin siya bumigay. MU na kami. Hindi misunderstanding, kundi mutual understanding.

          Ang bilis talaga!

          Sunod.. sa bahay na namin. Dun namin inilalabas ang aming galing. Ang aming galing sa arts... Dun namin ipinapadama ang aming pag-ibig sa isa't isa. Dun namin nilalabas ang mga sandali. Dun namin nagagawang mas makulay ang buhay.

          Naging colorful ang college life ko dahil sa kanya. Mas inspired ako dahil alam ko mahal niya rin ako. Naging artistic dahil sa presence sa appreciation niya.

          Naging maligaya ako sa kanya pero ang masama, napapabayaan ko na ang Bisakol. Bihira na kaming magkakasama. Kaya bago pa tuluyang magkalimutan, nag-double time ako. Syota. Barkada. Syota. Barkada.

          Pero, kulang pa rin pala. Dapat triple time! Kaya..

          Syota. Barkada. Pag-aaral. Pag-aaral. Syota. Barkada. Syota. Syota. Syota..

          Hay! Nabulag ako sa labis na pagmamahal. Mabuti na lang inspired pa rin akong magbasa, magsulat at mag-aral. Mabuti na lang ganito ang grades ko sa finals:

           Nat Sci 2 88
           Soc Sci 2 87
           Eng 2 91
           Hum 1 90
           Math 2 91
           Fil 2 94
           PE 2 90
           NROTC 83

           Successful ang second semester ko. Hindi ako nabigo sa kahit ano mang contests kasi hindi naman ako sumali. Busy ako sa aking mahal..

          Colorful ang second sem ko. Pero nawalan ng kulay nung sembreak na. Malayo ako sa aking mahal. Mabuti na lang ay iniwan niya sa akin ang art compilation niya. It helps! Araw-gabi ko ito binubuklat. Nagpa-fantasize. Nagre-reminisce..


          Hay! Ang sarap umibig..

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...