Followers

Tuesday, January 7, 2014

survey

PAYAG KA BANG GAWING LIGAL ANG PAGBENTA O PAGGAMIT NG MARIJUANA SA PILIPINAS?

          Iyan ang tanong ko sa aking mag-aaral kahapon bilang bahagi ng aming talakayan sa pagbibigay ng saloobin o damdamin sa isyung panlipunan.

          Hindi lingid sa kanila ang usaping ito, kaya samu't saring ideya at opinyon ang kanilang naisulat pagkatapos ng aming gawaing-pansilid. May mga sumang-ayon. Subalit mas marami ang di-sumang-ayon.

          Narito ang ilan sa kanilang mga pahayag ng pagtutol:

          "Hindi ako papayag dahil masama sa kalusugan ng tao ang pag-marijuana at maaari itong dumagdag sa pulosyon sa ating bansa. Kapag ako'y makakita ng nagbebenta o kaya gumagamit ng marijuana, tatawag ako ng mga barangay tanod." ----Apreal Kyla

          "Ang pagbebenta ng marijuana ay dapat ipagbawal dahil ito ay nakakaapekto sa ating katawan. Maaaring makamatay ito ng tao o magkaroon ng sakit. Kaya ipinagbabawal na gumamit ng marijuana dahil maaaring makulong ang taong gumagamit nito." -----Avrene Chris

          "Hindi ako pumapayag na gawing ligal ang paggamit ng marijuana dahil kapag naging ligal na ito maraming Pinoy ang mawiwiling gumamit nito. Meron ding masisiraan ng mga ulo sa sobra-sobrang paggamit nito. Minsan ito ay nakakasama sa ating kalusugan kapag nasobrahan. Mawawalan din ng mga pera ang karamihan sa atin." ------Carmencita Angelez

          "Hindi ako sang-ayon sa gagawing pag-legalize sa ipinagbabawal na gamot na tinatawag na marijuana dahil kapag pinayagan ito, maraming tao ang magiging masama." ------Jens Barbra

          "Hindi, dahil masama ito sa ating kalusugan at maraming magkakasakit dahil dito sa marijuana. Gusto kong hindi matuloy ang marijuana dahil naaawa ako sa mga taong magkakasakit. Paano na sila kung may dapat pa silang tapusin? Kaya ako naaawa sa mga taong katulad nila." -----Yannah Nicole

          "Ayokong maging ligal ang marijuana sa ating bansa sapagkat walang kwenta ang marijuana. Pag naging ligal ito sa ating bansa natin ay dadami ang sabog. Kaya ayaw ko na maging ligal ang marijuana. Imbes na gamitin ang perang pambili ng marijuana ay gamitin na lang ito sa mabuti o pambiling pagkain." -----Aila Mae

          "Hindi kami payag, dahil maraming taong magkakasakit at mamamatay. Hindi kami papayag na maging ligal ito dahil maraming tao ang maaadik." -----Paulo

          "Para sa akin, dapat ang marijuana ay gawing iligal, kasi ang mga tao at nababaliw dahil dito at ang mga taong ito ay tinuturuan ang mga bata. Kung hindi ito mapipigilan, paano tayo at ang mundo? Ang tanong ko lang, bakit kailangang gawing ligal ang marijuana? ----Marc Andrey

          "Para sa akin, hindi maganda na gawing ligal ang marijuana dahil kapag ito ay ginawang ligal ano na ang mangyayari sa atin. Ang tanong ko lang, bakit kailangang gawing ligal? Ano ba ang dumapo sa kanilang isip at papayagan nila tayong magkabaliw-baliw? E, kung lahat tayo at mabaliw, paano na? At iyan ang dahilan kung bakit ayaw kong gawing itong ligal. Sana ay huwag ng ituloy ang kanilang iniisip." -----John Isaiah

         "Hindi, kasi ito ay makakapahamak sa kalusugan. Pag ito ay naging ligal, ito ay magiging bisyo agad ng tao at mapapalaki ang bisyo hanggang sa isa-isang buhay ang mawawala. At ag resulta, pag ang tao ay gumamit nito ay mawawalan siya ng trabaho, mapapahamak. Ngayon pa lang, habang hindi pa ito ligal, ay iwasan na para hindi makapahamak ng kalusugan." -----Ann Kassiel

          "Hindi ako papayag na gawin itong ligal dahil dadami ang druglord sg mapupuno ang kulungan. At hindi rin ako papayag na gawin itong gamot..." -----Ira

          "Hindi! Hindi talaga ako papayag na gawing ligal ang pagbebenta ng marijuana, masyado na kasi itong nakakasakit. Ang pagmamarijuana ay nakakasakit, nakakabaliw at nakakamatay. Marami na ring nakulong dito. Kung ligal man ito sa ibang bansa, hindi ako papayag na pati sa ating bansa." -----Ma. Crisela

          "Kung magiging ligal ang marijuana sa ating bansa ay hindi ako papayag dahil hindi nga ako nagbibisyo, magiging secondhand smoker naman ako. Ang epekto nito sa mga batang katulad ko ay masama.Pwede ring maadik sila." -----Jeff

          "Kaya hindi ako sumasang-ayon, dahil para sa akin, ang marijuana ay masama sa kalusugan." -----Ma. Dhanlyn Kaye

          "Hindi ako sang-ayon kung gagawin itong ligal. Ang iba ay magiging adik. Kung ang Pilipinas ay pinagbebentahan ng marijuana ay lalala ang polusyon sa hangin." -----Philip Cesar

           "Ang saloobin ko ay huwag gawing ligalnang marijuana dito sa Pilipinas. Kahit na sa ibang bansa ay ligal, wag na nating gayahin dahil may problema hindi pa nasosolusyunan..." -----Marijo

          "Dapat makulong ang mga nagma-marijuana at sumihinghot ng rugby.." -----Joel

          "Papayag ako na illegal pa rin ajg marijuana. Ito ay masama sa tao." -----Babylen

          "Hindi ako pumapayag na maging ligal ag marijuana para mabawasan ang mga adik." -----Nicole

          "Hindi! Hindi ako papayag dahil itonay makakasama sa ating kalusugan. Maraming tao ang magkakasakit. Mabuti sana kung makakabuti ito sa mga bata at matatanda. Hindi porket ligal ito sa ibang bansa ay gagayahin din ng Pilipinas." -----Maria Camila Robena
 
          "Ang saloobin ko ay kailangang tanggalin ang marijuana at iwasan ito dahil maraming magkakasakit dahil dito. Sa ating bansa ang may pinakamaraming nagma-marijuana, kaya dapat ng ipagbawal ito." -----Chesca

           Narito naman ang mga reaksyon ng ibag pumapayag sa ideya:

           "Sang-ayon ako sa marijuana dahil gawa ito sa ating bansa. " -----Kyle Andrew

          "Papayag ako. Baka may magawa pa itong tama." -----Trishia

           "Oo, puwede itong maging ligal para sa may medical condition." ------Carlos Corleone

            Payag man sila o hindi, nakatuwa pa ring isipin na sila ay may bukas na kaisipan para sa mga isyung panlipunan gaya nito. Kung magpapatuloy ang kanilang pangingialam sa mga kalagayan ng bansa, tiyak akong maririnig sila ng kinauukulan para sa tamang pagbuo at pagpapatupad ng mga batas.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...