Followers

Monday, January 6, 2014

PAHILIS 10

KABANATA 10  

          Nanumbalik ang eagerness ko sa pag-aaral. Dahil siguro iyon sa aking ina at sa kanyang pagpupunyagi na mapagtapos kaming magkakapatid. At dahil na rin siguro sa mga school supplies na tinamo niya sa akin.  

          Para akong musmos na bata. Nasuhulan lang ng lollipop, tumahan na. Masarap naman talagang mag-aral pag kumpleto ka ng gamit. May mga iba’t ibang sizes at cuts ng pad paper, pentel pen, coloring materials at iba pa. Naalala ko tuloy ang mga araw na walang-wala ako ni mamahaling eraser.    

          Pero wala ng sasarap pa kung walang problema. Parang walang ingay kapag nagre-review.  

         Ayun nga! Kabubukas pa lang ng klase, umepal na ako sa lahat ng guro. Laging nakataas ang kamay ko. Gamit na gamit ko ang vocal cords ko. Unti-unti kong nabawi ang natunaw kong utak. Um-active akong bigla. Kaya naman, madalas kong makitaan ng lihim na papuri ang mga titser ko, lalo na ang guro ko sa Filipino III. Hindi siya ang guro ko sa I at II. Napamahal ulit sa akin ang subject na Filipino dahil sa kanya.  

          Ngunit… Datapwat… Subalit… Kaya lang…Pero… nangyari ang di inaasahang bagay.  

          Namayapa ang aking butihing ama, mahigit isang buwan pa lang ang nakalipas pagkatapos mag-resume ang klase.     Pagkatapos ng libing, kinabukasan, bumiyahe kami ng pinsan ko patungong Maynila. May dahilan kaya mas pinili kong itigil ang sinimulan ko sa mataas na paaralang iyon. Sayang lang..  

          Pagdating sa Maynila, wala ng gustong kumanlong sa akin. Hinihintay ko ang nangakong kamag-anak na pag-aaralin ako ay ihahabol sa pasukan, pero nabigo ako. Pinaniwala ako na hindi na ako matatanggap dahil Agosto na.  

          Bakit noong Grade 4 ako?!  

          Hinanakit lang ang napala ko sa pagtakas sa probinsiya..  

          Ayun! Nabakante ang utak ko. Gayunpaman, hindi pa rin nabawasan ang pagpapahalaga ko sa edukasyon. Lalo lang itong tumibay. Ang hangarin kong makatapos ay lalo lang tumaas. Ang masama na lang, kinaiinipan ko ang bawat sandali. Kinaiinggitan ko ang mga pinsan kong pumapasok. Minsan nga, binubuklat ko ang mga aklat at mga kuwaderno nila.  


          At wag ka! Iyong mga pinaglumaan nilang notebook na may mas maraming blank pages kesa sa may sulat ay hiningi ko. Tinahi ko ang mga iyon at nakabuo ako ng tatlong secondhand sewn notebooks. At, hiningi ko rin ang mga aklat nila, kahit alam ko na hindi ang mga iyon ang textbooks sa public school. At least, may reference ako.


         Naghintay ako ng June. Halos isang buong taon akong naghintay at nainip. Sa paghihintay ko, nakaranas ako ng masakit na dagok sa buhay. At dahil dito, naipangako ko sa sarili ko na hindi ko pipiliing maging mangmang. Magsusumikap ako.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...