KABANATA 7
Grade
six moments na ito. Malaking-malaki na ang pagpapahalaga ko sa edukasyon.
Kompetisyon na rin ang turing ko sa bawat recitation
period. Tinuturing kong kaaway ang mga kaklase kong madalas tumayo at mag-recite. Kinaiinisan
ko sila. Pinagdadamutan ng sagot. Mas mabait ako sa mga medyo tahimik at di
nagpa-participate. Pinapakopya ko pa nga.
Dahil
ga-graduate na, pinag-igihan ko. Nagsunog ako ng kilay, both literally and
idiomatically. Literal kasi, wala kaming kuryente. Gasera lang ang gamit
namin kaya halos magkandasunog ang mga kilay ko sa pag-aaral tuwing gabi. “Maawa
ka naman sa mga mata mo.”, madalas sabihin sa akin ni Ina. Gabing-gabi na kasi
ako kung matapos mag-aral. Kasi naman pagdating ko galing iskul, tutulong muna
ako sa mga gawaing-bahay. Pagkatapos maghapunan saka lang ako magsisimulang
mag-aral o magsunog ng kilay.
Panay
din ang presenta ko sa mga curricular activities pero hindi ako
sinasali. Tinatanggihan nila ako. One time nga, na-consider sana
ako para gumanap na lasenggong anak sa isang play na may titulong
“Tatanda Ka Rin”. Araguy! Iba ang napili. Baka raw hindi ako marunong
maglasing-lasingan. Nainis ako pero okey lang din. Na-realize ko rin naman
na hindi pala ako mukhang lasenggo.
March na. Ipinaalam na ang final honor roll. Third ako
o first honorable mention. As usual, valedictorian ang teachers’
pet. Naiinis ako nang sabihin nilang third lang talaga ako at
hindi na pwedeng tumaas pa. Hindi raw kasi ako nag-Grade One doon. Pero
mas naasar ako, nang sabihin nilang kinonsedera lang nila ako. Dapat
daw 4th honors lang ako. Nag-give way lang daw ang 4th.
Aba! Questionable lalo iyon para sa akin. Hindi na ako papayag.
Kaya
naman, nag-blowout si Mama. Kitang-kita ko ang mga ngiti nila na halos
lumampas na sa kanilang mga tenga. (Ayoko na magsalita.)
Graduation day. Ako ang nag-Pledge of Loyalty. Hindi ko masyado gusto
ang piece ko kasi mas gusto ko ang valedictory or salutatory
address. Ambisyoso..
Kaya
noong nagsasalita na ang valedictorian, nakinig ako ng maigi. Hmp!
Hindi niya mai-deliver ng maganda. Hindi niya rin ma-feel. Mas
gugustuhin ko pang si Salutatorian ang valedictorian. She doesn’t deserve it!
As
usual, proud na proud ang parents ko, lalo na si Mama.
Twice siyang umakyat ng stage kasi “Best in Filipino” pa ako.
Niregaluhan niya ako pagkababa namin ng stage. Naiyak din ako sa saya.
Noon ko naunawaan ang lagi n’yang winiwika.
Oo!
Nanakawan ako ng karangalan, pero hindi ng karunungan. Isang binilog na gintong
bakal lang iyon, kumpara sa tunay na ginto na nakatatak na sa aking isipan.
No comments:
Post a Comment