Followers

Monday, January 6, 2014

PAHILIS 3

KABANATA 3  

          Pagkatapos kong ma-experience ang pagkakaroon ng mga mayayamang kamag-aral, naranasan ko namang makihalubilo sa mga estudyanteng mahihirap na gaya ko..  

          Sa isang malayong baryo ng isang bayan kami napadpad ng aking pamilya. Tulad noong una, panibagong pakikisama. Panibagong kaibigan. Kamag-aral. Guro. At eskuwelahan.  

          Ang hirap! Parang laging nagsisimula. Laging bagong salta. Mahirap talaga. Pero, okey lang. Mas nakakasabay ako sa kanila. Alam ko, pare-pareho kaming poor. Wala na ‘yong inggit na nararamdaman ko. Wala naman kasi silang ipagmamalaki o ipagwawagayway. Pare-pareho lang halos kami ng baon. Mais. Kamote. Saging. Bayabas. Santol. At iba seasonal na pagkain at prutas.

          Minsan nga, umuuwi na lang ako sa bahay ‘pag recesss. Tutal, kaharap lang ng school ko ang house naming pahilis. Oo! Pahilis! Salamat sa kindergarten teacher ko dahil tinuruan n’ya ako ng guhit-pahilis. Nalaman ko tuloy na ang aming bahay ay nakapahilis. Ewan ko kung bakit dun kami nakatira. Siguro dahil malapit sa iskul. Mabuti na lang, hindi halatang pahilis.    

          Again, wala akong maalalang classmate ko, ni isa. Gayundin ang pangalan ng guro ko. Ang naalala ko lang ay dalawang nakakahiyang pangyayari sa loob ng silid-aralan. Ayoko na sanang ikuwento pa, pero kailangan dahil hindi makukumpleto ang kuwentong pahilis kung ililihim o ikakahiya ko pa..

          Haaaa!  

          Una… Recitation sa Math. I have to count from one to one hundred. Dyusme! Hindi ko matapos-tapos. Antagal kong nakatayo sa harapan at pabalik-balik sa 69. Sabi ko. “60, 61, 62, 63, 64, 65, 66, 67, 68, 69, 60, 61, 62………69, 60”. Stop!, sabi ng teacher ko.    

          Ganun ako magbilang. Hindi ko masabi ang seventy. Nalilito ako. Alam kong mali ako, pero 60 pa rin ang nasasabi ko. Para akong nasa gitna ng kagubatan at pinaglalaruan ng engkantada.

          Siguro, nakatatlong ulit ako sa sixty, bago pa napansin ni Ma’am. Sabi niya, “seventy”. Ayun! Natapos ko na ang 100. Inabot din ako ng 60 years sa harapan. Pero sa totoo lang, walang tumawa sa akin. Tatawa ba sila? E, baka sila rin ay mas malala pa ang kabobohan kesa sa akin.

          Pangalawa.. Wala munang tatawa. At paumanhin sa mga kumakain..

          Natae ako sa shorts ko. Kadiri! Bago pa tuluyang umabot sa tsinelas ko ang daloy ng diarrhea ko, lumabas na ako nang walang paalam. Di ko na nabigkas ang “May I go out, Ma’am?” Bastos na ako kung bastos. Ayaw ko lang maamoy nila ang matubig kong poopoo. Siguro, may naiwan akong patak-patak doon.

          Hindi na ako pumasok kinahapunan.

          Kinabukasan, kinausap ako ni Ma’am. Pinayuhan lang naman ako na wag kumain ng kung ano-ano upang hindi masira ang tiyan ko. Pagkatapos nun, parang wala na. Walang-hiya pa ako noon. One day lang ako nag-suffer sa kahihiyan.

         Pangalawang araw, balewala na. Parang walang nangyari. Mabuti na lang ay walang tumukso sa akin ng “ae ae”. Kung meron man malamang baka Grade One lang ang inabot ko.

         Mabuti na rin na hindi iyon nakaapekto sa class standing ko. Pasalamat nga ako kahit fifth honors lang ay nabigyan ako. Sa totoo lang, wala akong appeal sa guro ko. Hindi ko kasi nakuha ang kiliti niya. Hindi ko masyado nagamit ang kukote ko.  

          Ayoko na sanang umakyat ng stage para lang makuha ang ribbon ko, kasi paalis na kami noong araw na iyon papuntang Maynila. Napilit lang ako ng ina ko. Proud sila, e! Kuntodo asikaso pa ako ni Mama. Binihisan. Sinapatusan. Sinuklayan, para lang sa kapirasong katibayan ng karangalan. Sabagay, once in a lifetime lang ang chance na iyon. At mabuti nga, hindi dishonor ang natanggap ko like “Tataero of the Year”, “Most Hygienic” o “Best in Counting”. Insulto naman, di ba?

          Lumarga na kami, pagkaabot ko mismo ng ribbon ko. Nalungkot din ako kahit paano. Masaya kasi sa lugar na iyon. Marami akong childhood memories. Doon ko unang naranasan ang mga pangbukid na paglalaro. Maghapong pagligo sa ilog. Panghuhuli ng hito sa palayan. Pag-akyat ng mga puno. At napakarami pang iba.

         Salamat sa lugar na iyon. Kinumpleto niya ang buhay-estudyante at kabataaan ko. Proud ako, kasi kung mayaman kami baka hindi ko naranasan ang mga iyon.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...