Followers

Thursday, January 9, 2014

PAHILIS 17

KABANATA 17

          Sa kalagitnaan pa lang ng sem, tanggap na tanggap ko na ang course ko. Ni hindi ako nanghinayang bakit hindi Education ang pinili ko. Masaya kong tinanggap ang mga bagay-bagay.

          Prelims. Midterm. Pasado lahat ako. At hindi lang basta pasado, almost 99% akong nag-excel. Pero hindi naman lahat tagumpay. May subject na mababa. Depende kasi iyon sa propesor. Gaya ng English teacher namin. Mababa siya magbigay ng grade. Magpamisa ka na kung makakuha ka sa kanya ng 88%.

          Hindi ako nagpamisa kasi 86% lang ang final grade ko sa kanya. But it's satisfying! Proud ako.

          Mayroon namang napakagalanteng magbigay ng marka. Talo pa sina Asyong Aksaya at Don Quixote sa pagkagalante. Imagine 90% sa History 1 at 90% sa NatSci 1. Samantalang wala akong naintindihan sa mga tinuro nila.

          Sa History 1. Diyos ko Miyo! Boredom lang ang napala ko. Nagpapabasa. Nagba-blah-blah. Tapos! Pinag-memorize kami ng Preamble. Kuntodo kabisa ako. Siyempre, for grade's sake, na-memorize ko rin in few hours.

          Preamble// We/ the sovereign Filipino people/ blah-blah.. Aguuy! Wala akong nakitang advantage sa bagay na iyon. Mas maigi pang pinag-memorize na lang ako o kami ng Bahay Kubo o Lupang Hinirang. O Panatang Makabayan. Well, thankful pa rin ako't nabigyan ako ng 90%. At least pleasing sa eyes ang maipi-print sa transcript ko. Pero sana tinuruan niya na lang kami kung paano maglaro ng mahjong. At sana History of Mahjong na lang ang tinuturo niya. Matututo pa kami ng tamang paghalo ng mga tiles. O kung paanong tumawa ang mga manlalaro ng mahjong. Ha ha ha!

          Sa NatSci 1 naman. Whew! Active ang klase. Walang boring. Lahat nagpa-participate. E, pa'no ba naman!? Tumayo ka lang at magtanong sa reporter ng kahit ano, may point ka na instantly. Oo!! Kahit ano! Nonsense man, seryso o kalokohan. Kahit self-explanatory na. Pwede! Babadlisan ka kaagad ng scorer of the night. Kumbaga sa sports, ganito:

       Froilan vs. Juan
            lll            I

          Isang buong semester, gano'n kami. Alive na alive ang discussion. Para kaming mga tanga. Magtatanong pa kahit nakikita na sa visual aid ang sagot. Pinoy na Pinoy ang dating.

          At heto pa...

          Two points naman pag nag-additonal information ka.. Kaya, ang ginagawa ko, nire-rephrase ko ang mga sentences. Two points agad ng gano'n-gano'n lang. Tsk!

          Pero, kung kakatwang subjects, mayroon din namang the best. May paborito naman ako, siyempre. Tatlo! Fil 1. Math 1. at SocSci 1.

          Bakit Fil 1?

          As usual! Favorite ko kasing asignatura ito, ever since. Lalo na't mahusay ang propesora. Marami siyang teaching strategies. Hinahasa lahat ang aming abilidad. Pinagsulat. Pinagbasa. Pinagsalita. Binigyan ng oras para makinig at magsalita. Enjoy talaga. Sulit ang grade na 88%.

         Bakit Math 1? After ng mga kapalpakan ko sa Mathematics, bakit Math?

         Coincidence ang nangyari. Ang propesor ko ay siya ring guro ko noong Grade 5 at Grade 6 ako. Pero, hindi ako nag-rely sa pagiging magkakilala namin. Nagsikap ako upang umangat sa subject niya. Proud ako sa binigay niyang 91%. It's worth it!


         At bakit SocSci 1?

          E, kasi...crush akong instructress! Biro lang. Mabait kasi sa akin ang aming guro. Natutuwa siya sa akin. Sa mga sagot ko.. At since Psychology ang subject niya, natuto akong mag-psycho.. Pero, hindi ko na-psycho na 89% ang ibibigay nya sa akin. Satisfying! Pinaghirapan, e!

          Kuwentong kabiguan naman..

          Marami. Siyempre hindi naman pwede na suwerte ako sa lahat. E, hindi naman ako si Rizal!

          Hindi ako natanggap sa school paper. Pangarap ko pa naman (matagal na) na maging writer. Hindi siguro nagustuhan ang sample ng article tungkol sa ginanap na beauty pageant sa school namin. O baka, gramatically wrong ang ginawa ko.

          Hindi ako nanalo sa mga paligsahan gaya ng paggawa ng poster at slogan sa kolehiyong iyon. Siguro hindi makulay ang piece ko. Siguro mali ang interpretation ko sa tema.

          Hindi ako sinagot ng nililigawan ko. Siguro hindi niya ako gusto. He he! Nag-emote lang tuloy ako noon habang pinakikinggan ko ang "Pare Ko" ng Eraserheads.

          Yun lang!

          But overall...90% talaga ay successful ang 1st semester ko. Not to mention ang first Foundation Day ko doon, kung saan sobrang naligayahan ako. Abaw! Humataw kaming magkakaklae sa dance floor.

          Ang ten percent siguro ay ang mga loses ko at pagkabasted sa akin. Isama na rin ang kalungkutan kapag wala akong pamasahe. Hindi ko rin ikinakaila na umiiyak ako pag wala pa akong pang-tuition. Delayed lagi ang padala, e!

          Sembreak na agad. Nabitin ako. Pero, ayos lang, dahil alam ko mabilis lang ang paglipas ng araw.

          Pero, teka! May natutunan ba ako?

          Aaaah...

          Aaaah...Many to mention!

          He he! Basta ang sigurado ako, may natutunan ako. Ang tamang pag-budget..

          Twenty pesos ang sabi ko sa sarili ko na allowance ko. No more, no less. Bawal akong gumastos ng higit pa sa halagang ito dahil wala akong income. Walang magbibigay sa akin. Naghihintay lang ako.

           Misteryo ang nangyari..

           Paano ko kaya na-budget ang P20 araw-araw?

           Pamasahe ------ P10 (Forth and back)
         
           Photocopy ------ P5 (Optional)

           Snacks, papel, etc. ------ Ang tirang P5

           Paano na ang pang-alak?


           Himala, di ba?

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...