Followers

Monday, January 6, 2014

PAHILIS 13

 KABANATA 13

          Salamat kay Auntie Vangie! Binigyan niya ako ng oportunidad na makapagtrabaho sa garment factory nila. Summer job, ‘ika nga. Para daw, makaipon ako ng pangkolehiyo.  

          Okey!  

          Tuwang-tuwa ako sa galak. First time, e! Sino ba namang tanga ang aayaw sa pagkakataong iyon?! Ni hindi ko na kailangang mag-aplay.  

         Work ako ng work. Enjoy na enjoy sa sahod. Wiling-wili sa mga gimik. Sa mga gamit na nabibili. At mga pagkaing natitikman. Hanggang sa matapos na ang anim na linggo.

         What?! Enrollment na?!  

          Kelangan ko na palang mag-enroll. Wala pa akong ipon.  

          Nagkamali ako. Masyado akong nabulag ng mga materyal na bagay at kasahayan sa ibabaw ng mundo. Hindi ko na naisip ang utak ko. Nakaligtaaan ko ang mga bilin ni Ina.    

          Kailangan din palang kumain ng utak. Kailangang magdagdag ng accessories. Kailangan rin palang mag-download. Mag-charge at mag-load.    

          Naisip ko ang guhit pahilis.  

          Dapat na ba akong gumawa ng pahilis pakanan at pahilis pakaliwa? Dapat ko na bang ipag-cross ang dalawang guhit upang makabuo ng ekis? Dapat pa ba akong mag-aral? O, magtatrabaho na lang ako?  

          Hindi! Ayoko!  

          Mag-aaral at magtratrabaho ako. Oo! Sabay. Work sa umaga. Studies sa gabi. O vice versa.  

          Kasama ko ang pinsan kong babae na gusto ring magtapos, ay hinanap namin ang kinaroroonan ng Polytechnic University of the Philippines sa Sta. Mesa. Nagkandaligaw-ligaw kami, pero sulit dahil natagpuan namin ang PUP. Subalit, late na pala kami. Sabi ng sikyu, tapos na raw ang entrance examination for 1st year students. Maaga raw iyon isinasagawa.

          Bigo.    

          Ayoko na, sabi ko. Pero, sabi nila, matalino raw ako. Kaya may payo sila. Apply daw ako ng scholarship sa Central Collloges of the Philippines. Pero hindi sila tumulong financially. Sinabi lang nila na nagbibigay ng up to 100% scholarship fee. So, nag-inquire kami. Kasama ko kasi ang isang katrabaho at pinsan kong lalaki.  

          Ora mismo, interview agad! Araguy! Advantage pala ang may honors noong high school. Sayang! Wala akong honors kahit 10th. mabuti pa ang katrabaho ko, valedictorian pala. Kaya, may chance siyang ma-avail ang 100% scholarship, depending on the result of our exam.  

          To make the story short, nag-exam kami. Then, naghintay ng result.  

          Nakaka-proud dahil pasado kami.  

          Nakaka-bad trip kasi 30% lang ang nakuha naming tatlo. It means 70% pa ang babayaran kong matrikula. Wag na! Can't afford. Ang mahal pa naman daw ng tuition sa school na iyon.

          Wag na, sabi namin. Magtrabaho na lang muna tayo, sabi ko pa. Wait na lang tayo sa PUP. Aagahan ko talaga ang punta doon next year.  

          Desidido na sana akong mag-pass sa schooling, heto na si Auntie, may dalang broadsheet kung saan ang founder at owner ng AMA ay naghahanap ng indigent students at magbibigay ng scholarships up to 100%.    


          Una, naisip ko, gaya lang iyon sa CCP. May mga honors lang ang makakapag-aral ng 100% free. Pero naisip ko rin na ibabase ni sa indigency ng applicant. Nag-double- mind ako. Gusto ko na parang ayaw ko. Nahihiya lang ako sa tiya ko. Gusto ko na lang muna sanang magtrabaho at mag-ipon para kahit walang scholarship ay makakapag-enroll ako. Gusto ko talaga sa UP Diliman. Greatest dream ko ang makapag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas pero dahil suntok sa buwan, kahit saan na lang.      

          Ayun, kinunsidera ko ang alok ng aking tiyahin. Nag-exam ako, gayundin ang utol ko.    

          Ang bilis ng results! Parang hindi tsenikan. Pang minadyik! Alam ko at umasa ako na 50% 0r 70% man lang ay makukuha ko. But I was wrong. Thirty percent uli.

          Aha! May hokus-pokus. Front n’yo lang iyon. Gusto n’yo lang humakot at umengganyo ng enrollees. Wala talaga kayong balak magbigay ng full scholarship.    

          Business is business, talaga!

          Sorry po, AMA, but I have to express my mind..

          Alam ko, hindi ko na-perfect ang exam. Ngunit alam ko sa sarili ko na hindi lang 30% ang nakuha ko. Unang-una, ginalingan ko ang pagsagot sa bawat katanungan. Fresh pa ang utak ko. Pangalawa at panghuli, I deserve it! Indigent ako. Alam nila iyon dahil isinaad ko iyon sa application form at isinagot sa interview. Dapat di nila binase sa honors or test result.  

          Tinanggap ko na lang ang kabiguang iyon.  

          Ewan ko ba?! Nagpa-enroll pa rin ako. Sa kagustuhan kong makapagtapos at manatiling matalim ang kukote, nag-down payment ako. Take note, inutang ko iyon sa kompanya. Vale, kumbaga.    

          Buwisit na karunungang iyan! Napakamahal. Di bale, sulit naman pagdating ng panahon.    

          First day of school. Excited akong pumasok. Nag-enjoy at natuto ako sa unang lecture. Feel na feel ko ang bagong yugto ng buhay ko.

          Siyanga pala, nag-enroll din ang kapatid ko. Magkaiba nga lang kami ng kurso at schedule.

          Sa pangalawang araw, nag-usap kami ni Bro. Ito ay tungkol sa masasakit na salitang narinig niya at nakarating sa kanya. Hindi iyon, tsismis, ha! Nakita at napansin niya rin ang mga reaksyon nila tungkol sa pag-aaral namin.

          Idinown kami ng mga katrabaho at kamag-anak mismo namin.

          Diyos ko! Hindi kami nagyabang. Hindi ako umakto na as if mayaman o mapera ako. Humble kami, dahil iyon ang nararapat.

          Labis akong nasaktan. Para bagang wala na akong (kaming) karapatan na makapag-aral sa paaralang iyon, na kung tutuusin ay pipitsugin lang.

          I'm sorry again, AMA Computer Learning Center, Pantranco Branch. Sinasabi ko lang ang totoo. Masakit, e!

          Para naman kasing napakayabang ko na dahil nakatuntong ako sa learning center na iyon. E, hindi ko naman iyon kagustuhan, di ba?!

          Ora mismo. Nag-decide kami na tumigil na. Di na ako pumasok sa araw na iyon. Sayang ang unang araw ko. Sayang ang down payment. Di bale na. Kesa naman patuloy kaming alipustahin at paratangan.

          Noon ko napagtanto.. madugo ang pagkamit ng karunungan.

          Hay, buhay!

          Kaya, sinubsob ko na lamang ang ulo ko sa trabaho. Pero, gayunpaman, nasa puso ko pa rin ang sakit at hinanakit. Kahit wala na ang panghihinayang, nanatili pa rin ang panghihina.

          Hanggang sa...

          Gumawa na ako ng isang ekis sa buhay ko.

          Dalawang magkatalilis na pahilis..


          Ang sabi ko, ekis muna ang pag-aaral sa taong iyon. Pahilis muna ang kukote ko sa mga karunungang posible kong matutunan.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...