Followers

Friday, January 10, 2014

ANG TISA NI MAESTRO 4

         Ilang linggo pa ang nakalipas, nakapag-adjust na ako sa paaralang iyo. Nagamay ko ang mga ugali ng mga Grade 4 at high school, pati ang mga katrabaho ko. Tumanggap ako ng mga trabahong first time kong gagawin tulad ng pag-e-emcee at pagte-train ng students para sa Math quiz. Tumanggap din ako ng tutorials.             

         Sideline ng mga teachers doon ang pag-tutor. Nabigyan ako ng isa. ‘Tapos naging dalawa. ‘Tapos naging isa uli dahil nakabasa na iyong isa. Nakalulungkot, na nakatutuwa. Malungkot ako dahil nabawasan ang income. Sabi ko nga, sana hindi ko muna tinuruan nang husto para mas matagal akong may kita. Pero masaya naman ako sa resulta dahil napatuto kong magbasa. Nahihiya nga ako sa magulang ng isa dahil ilang buwan na akong nagtu-tutor sa anak niya ay hindi pa rin mahusay magbasa.

         Puring-puri naman ako dahil may development na rin daw kahit paano. Pero sa tingin ko, wala pa. Nakaka-frustrate. Napapalo ko lang tuloy ang bata sa kamay dahil kung ano-ano ang sinasabi. Maikli ang memory. Ang "ba" ay nagiging "da." Nang tinanong ko ng "one plus one." Nag-isip muna nang napakatagal. Nagbilang pa sa kamay. "Three!" ang sagot niya. Ayun! Napalo ko siya sa kamay. Para hindi magsumbopng sa Mommy, binigyan ko siya ng poster ng mga dinosaurs. Favorite niya kasi. Mabuti na lang na-appreciate niya at hindi niya nga ako sinumbong.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...