Followers

Monday, January 6, 2014

PAHILIS 6

KABANATA 6

         Sa wakas. Nakabalik na kami sa lupang sarili. Nagtayo kami ng bahay malapit sa sinunog na bahay kubo noon. Pero, that time mas malaki. Hindi na bahay kubo. Medyo mas moderno. Modernong bahay kubo! He he.

         Grade 5 na ako. Kasalukuyan ko nang nararanasan ang tinatawag na adolescence o puberty. Conscious na ako sa looks ko. Madalas na akong nasa harap ng salamin. Hindi na ako nagsusuot ng gusgusing damit. Isputing lagi.

         School day na. Time to know my teachers and classmates. Time to compete. Time to learn.  

         Ang mga kaklase ko ay familiar sa akin. Sila rin kasi ang mga classmates ko sa kinder. Kaya naman, parang ang bilis ko lang silang nakilala. Marami sila pero babanggit ako ng konti at isasalarawan sila upang kapanipaniwala:
...Liza – Kinaaasaran ko. Masyado kasing maarte magsalita. Pero hindi siya galit sa akin.  
...Joey – Nayayabangan ako sa kanya, pero kaibigan ko siya. Sinasama niya ako sa bahay nila. Umaakyat kami sa kaimito.  
...Irene – Consistent fisrt honors daw from kinder to Grade 4. May dugong Chinese, pero hindi sila ganoon kayaman. Teachers’ pet.  
...Francis – Pinsan ni Irene. Laging second honors. Nakakasalamuha ko rin siya.  
...Mariel – Mahilig manukso at magbiro. Nakakapikon siya pero di ko nagawang awayin siya. Maliit lang kasi. Nakakaawa lang siya pag binubog ko. He he.    
...Rodea – Matabil, maingay at mataray. Naiirita ako sa ingay niya, pero napagtitiyagaan ko.    
...Annie – Hindi siya si Annie Batungbakal pero gusto ko ang pagkakalog niya. Pa-cute ( minsan sa akin). He he. Pero natutuwa ako sa mga hirit niya.    
...Teddy – Naging close friend ko pero lumalayo ako pag may babae, kasi di ako napapansin.    
...Dindo – Ewan ko sa kanya! Nakasalamuha ko rin pero parang ako rin siya. Tahimik at aloof.    
...Mark Anthony – Siya ang sumagi sa akin na naging dahilan ng pagkahulog ko sa pader na una ang likod. Ang sakit nun ah!      

         Sila ang mga naaalala ko. Marami pa sana kaso baka mapuno naman ito kung lalahatin ko sila.    

          Teachers naman…      
...Mrs. Celestina Diesta – Adviser namin siya. Sibika ang hawak niyang subject. Mabait.      
...Mrs. Roselyn Brezuela – Filipino teacher. Naging favorite ko siya dahil favorite ko ang subject na itinuturo niya.      
...Mrs. Muriel Endiape – Science teacher. Nanay siya ni Joey. Natuto akong mag-computeng konsumo sa kuryente dahil sa kanya.      
...Mrs. Zenaida Balana – Music and Arts teacher. I hate music but I love arts, kaya kalahati lang ang interes ko sa time niya. Gustong-gusto ko ang parte na gumawa kami ng mosaic using egg shells.      
...Mrs. Rhode Fe Maldo – English teacher; dyina-judge ng karamihan as asuwang. Pero hindi ako naniniwala o natatakot. Gustong-gusto ko nga siyang magturo. Magaling siya. Sinasabi lang nila iyon dahil hindi siya palangiti at hindi masyado nakikisalamuha sa ibang titser. Pero di siya masungit. Natuto nga ako sa kanya ng tamang pagbigkas ng tulang Footprints in the Sands.        
...Mr. Luis Gueta – Math teacher siya. Mahusay sa subject na ito. Dahil sa kanya naiba ang tingin ko sa  Mathematics. Lalo na ng pinili niya ako upang i-represent ang school namin sa interschool Math Quiz. Binati niya ako ng masaya nang naging 5th placer ako. Ako kasi ang may pinakamataas na natamong karangalan sa aming magkaklaseng isinabak niya.
...Mr. Deo Luzuriaga – EPP teacher . Pagdating sa gardening, siya ang expert. Field work kami lagi. Siya rin ang  commandant ng mga scouts. Ang gusto ko sa kanya, binibigay niya na niya sa amin ang mga gulay na aming itinanim at inalagaan. Humingi man siya, konti lang.          
...Mrs. Norma Gueta – Home Economics teacher. Asawa siya ni Mr. Gueta. Medyo strict pero mabait. Hindi ko  makakalimutan sa kanya ang pagtuturo niya sa amin ng pagluluto at pagbuburda. Natuto akong magluto ng santol jelly dahil sa kanya. May novena pa kaming part. Pero hindi ako pumapasok ng church. Hindi kasi ako Katoliko.    

          Sila ang mga guro ko noong Grade 5 ako. Lahat sila ay siguradong humanga sa intelektuwal kong angkin. Matataas ang mga grado ko sa kanila, pero ni minsan hindi ko nagawang sumipsip sa kanila na gaya ng iba kong kamag-aral.  

          Usong-uso noon ang favoritism. Grabe!  

          Pero ako..sariling sikap. Sariling utak. Walang daya. Kung tutuusin nga, mas matalino pa ako sa first honors nila e. Oo! Walang yabang ‘to. Nauna lang siyang sumikat kesa sa akin. Nakilala bilang consistent first honors pupil. Nasanay ang tao na siya ang first. Kaya nga siguro nanalo siya bilang campus president.  

          At dahil hind ako sikat, loser ako. Hindi ako naging senador. Hmp! Nadaya yata ako. He he. Kaya nga gustong-gusto kong sumali sa mga program at activities, para at least makikilala ako. Sa kasawiang-palad, isang beses lang akong nakasali sa program. Ito ay ang pagsayaw namin ng modern cha-cha. Kahit parehong kanan ang mga paa ko, sumali talaga ako. Mabuti na lang, malakas din ang palakpakan.

          Closing ceremony.. Fourth honors lang ang lolo niyo. Malungkot kong tinanggap ang ribbon sa entablado. Pero wag ka, proud na proud ang aking ina. Ganun talaga ang mga nanay. Sabi nga niya sa mga taga-sa amin “Matalino talaga yan, kasi sariling sikap. Hindi ‘yan nagpapaturo sa amin.” Totoo iyon. Hindi naman talaga ako lumapit sa mga magulang ko upang magpaturo.    


          Kahit kapos sila sa edukasyon, malaki ang pagpapahalaga nila dito. Ito raw ang kayamanang hindi nananakaw ninuman.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...