Masipag pumasok sa eskuwela si Cali.
Ayaw niyang lumiliban sa klase. Ngunit hindi
naman siya nakikinig sa kanyang mga guro. Nag-iingay lamang siya at nang-aasar ng mga kaklase. Ang masama pa, nananakit siya.
naman siya nakikinig sa kanyang mga guro. Nag-iingay lamang siya at nang-aasar ng mga kaklase. Ang masama pa, nananakit siya.
Isang araw, may ipinakilala ang kanyang guro sa
harapan ng klase. “Class, siya si Pablo Palicpic, bago ninyong kaklase. Galing
siya sa….Saan ka nga galing, anak?” tanong ni Gng. Manuel kay Pablo.
“Ma’am, alam ko po kung saan siya galing..” sabad
ni Cali. Tapos, mahina niyang sinabi, “sa palaisdaan”. Nagtawananan tuloy ang
mga kaklase niya.
“Cali! Ganyan ba ang dapat na itrato sa isang
bagong dating na kaklase?’’, mahinahong tinuran ng guro pero may tono ng
pagkagalit.
“Sorry po, Ma’am..” wika ni Cali, na parang walang
nakarinig sa kanya.
“Sige na, Pablo. Maupo ka na doon sa bakanteng
upuan. Huwag kang mahihiya, ha? Lumapit ka lang sa akin kung may gusto kang
sabihin.”
Tumango-tango lamang si Pablo.
Noong araw din iyon, napaiyak ni Cali ang bagong
lipat na si Pablo. Nalaman na lang ni Gng. Manuel ang nangyari dahil nagsumbong
ang babaeng kaklase nila.
“Totoo ba, Pablo, na pinaiyak ka ni Cali?” Hindi na
nagtataka ang guro sa asal ni Cali. Hindi na ito bago sa kanya. Hindi na nga
niya ito pinapagalitan ng husto dahil parang lalo lamang siyang nagpapasaway.
“Cali, huwag naman ganyan, anak. Kaibiganin mo naman si Pablo, gaya ng…”
“Kaya nga po, Ma’am,” singit ni Cali. “Kinakaibigan
ko nga po siya.”
“E, bakit umiyak?” tanong ng guro, habang inaalis
ang kanyang salamin sa mata, upang sipatin ang mugtong mga mata ni Pablo.
“Tapos, humihikbi pa siya, o. Tahan na, anak.”
Hindi nakasagot si Cali. Kinuha na lamang niya ang
kuwaderno at nagkunwaring nagsusulat ng
leksiyon.
“Bakit umiyak si Pablo?”
Nagulat si Cali sa boses ni Gng. Manuel. Nakalapit
na pala ang guro sa kanya.
“Sumagot ka!” Naiinis na siya ang guro. “Bakit mo
pinaiyak si Pablo?”
Nang ayaw sumagot ni Cali. Kaklase nila ang
nagsabi. “Ma’am, sinabihan niya po kasi na amoy-isda raw si Pablo,” walang
takot na sumbong ng isang matabang kaklase.
“Hoy, bakla!” Galit na galit siya sa kaklaseng
nagsumbong. “Sumbongera ka talaga. Hindi ko sinabi iyon. Sinungaling!”
“Hay, naku, Calixto, hindi ako naniniwalang hindi
mo sinabi iyon. Simula’t sapul, wala ka nang ginawa, kundi ang mam-bully ng
kaklase mo. Grade 3 ka pa lang, ganyan ka na. How much more pagdating mo sa
high school. Siguro, basagulero ka na,'' ang mahabang litanya ni Ginang Manuel,
habang napapakamot sa ulo. “Magbago ka na sana, anak, bago mahuli ang lahat…”
Tumahimik ang buong klase. Parang nahipnotismo sila
sa sinabi ng kanilang guro.
Mas lalong lumala ang ugali ni Cali. Madalas siyang
mahuling nang-aasar lalo na kay Pablo. Kaya, isang oras ng uwian,Biyernes noon,
pinaiwan ni Gng. Manuel ang pasaway na si Cali.
“Hindi mo maikakaila, anak, na madalas mong asarin
si Pablo. May problema ka ba sa kanya, Cali?” Mahinahon ang boses ng
guro. Hindi naman ito ikinatakot ni Cali, sapagkat sanay na siyang ipatawag at
kausapin sa Guidance’s Office.
“Wala po, Ma’am! Pero po... sa tingin ko po, siya
po ang may problema.” Napayuko si Cali. Ayaw niya sanang sabihin ang mga bagay
na iyon.
Napamaang si Gng. Manuel. Nagtatanong ang mga mata.
Naghintay siya ng iba pa mula kay Cali. Kaya, marahan niyang tinanggal ang
kanyang eyeglasses. Hindi niya naitago sa bata ang nangingilid niyang luha.
“Ma’am, huwag po kayong magagalit sa akin... Hindi
ko naman po siya sinasaktan. Nagsasabi lang po ako ng totoo. Totoo po, Ma’am...
nakikita ko. Lagi po siyang basa. Malansa… Isda po siya!”
Nanlisik ang mga mata ni Gng. Manuel. Ibinalik niya
ang kanyang salamin. “Umuwi ka na! Bilis, umuwi ka na!” Natataranta siya. Pilit
pa niyang hinihila ang manggas ng kanyang uniporme, na tila ba may itinatago.
Walang anu-anong lumabas si Cali. “Bye, Ma’am!”
Saka, siya kumaripas pauwi.
Linggo ng umaga, namasyal ang mag-anak ni Cali sa
isang kilalang malawak na parke sa Quezon City. Aliw na aliw siyang habulin ang
isang tutubing karayom sa gilid ng lagoon. Hindi
niya namalayan na napalayo na siya sa kanyang mga magulang at kapatid. Naisip
niya, hahanapin naman siya. Kaya, ipinagpatuloy niya ang paghabol sa tutubing
may ginintuang kulay, hanggang dumapo ito sa water lily. Sayang, wika niya sa
sarili. Ngunit, may kung anong bagay ang sumagi sa kanyang isip. Lulusong siya
sa tubig. Hindi niya puwedeng hindi mahuli ang insekto. Nakakaakit ito at
animo’y nag-aanyaya.
Dali-dali niyang hinubad ang kanyang kamiseta at
pantalon. Hindi niya inintindi kung malabo man ang tubig na kanyang nilusong.
Marahan niyang iniapak ang kanyang paa sa maburak
na tubig. Ayaw niyang makatakas ang tutubi. Subali’t, lumipad ang tutubi.
Inikutan siya. Dumapo pa sa kanyang buhok at muling nagpaikot-ikot sa kanya.
“Mahuhuli rin kita, tutubing payat!”
Medyo nahihilo na siya sa kaiikot ng tutubi,
hanggang mapansin niya ang isang matandang babaeng nakasalamin at isang batang
lalaki sa kabila ng lagoon. Lulusong din sila sa tubig.
Manghuhuli rin ba sila ng tutubi, tanong niya sa sarili. Tapos naalala niya si
Gng. Manuel at si Pablo. “Ma’am! Pablo!” Kumaway pa siya. Bigla namang may
isdang malaking lumukso sa harapan niya. Napa-wow siya. Hinanap niya iyon,
ngunit sa labo ng tubig ay hindi niya muling nakita.
Lumitaw uli ang gintong tutubi at dumapo ito sa
salamin na nakapatong sa waterlily. “Salamin! Ang ganda!” ang masayang
eksklamasyon ni Cali. Agad niya itong dinampot at sinuot.
Kayganda ng tanawin. Kaylinis at kaylinaw na ng tubig.
Nakikita niya ang mga isda sa ilalim ng tubig. Napakagaganda ng lotus na kanina
lamang ay mga waterlily. Kakaiba ang mga isda doon. May mga kasuotan sila, na
parang tao o higit pa sa tao. Hinanap niya ang ginuntuang isda na lumitaw
kanina. “Asan ako?” nahihintatakutakan niyang bulalas. Noon din ay lumitaw ang
isdang kanyang hinahanap. May salamin ito gaya ng salamin niya at nagwika,
“Nasa paaralan ka namin, Cali.” Kaboses siya ni Ma’am, naisip niya.
“Ma’am Manuel?” usisa ni Cali. “Bakit po?”
Naguguluhan siya.
“Narito ka upang malaman mo ang katotohanan at ang
kamaliang ginawa mo kay Pablo. Ngayon, sumisid ka sa kailaliman ng tubig...”
Walang ano-ano, pumailalim na uli si Gng. Manuel.
Tinubuan ng mga palikpik si Cali. Naglabasan
din ang mga gintong kaliskis sa kanyang katawan. Sumisid na siya at nakita
niya ang mga isdang mag-aaral. Nilibot niya ang buong paaralan. Tahimik ito.
Seryoso ang mga isda sa kanilang mga gawain. Wala siyang nakitang nagsasakitan
at nagbibiruan. Namangha siya. Ibang-iba ang iskul nila sa iskul ng mga isda.
“Pass you papers!’’ Malakas na sinabi ni Gng.
Manuel. Nagising si Cali. Hindi pala siya nakagawa ng gawain. Blangko ang
kanyang papel.
“Cali Kaliskis!” sabay-sabay na tukso sa kanya ng
tatlo niyang kaibigan. Itinuro pa ang mga kaliskis niya sa kanang braso.
Sinubukan niyang tanggalin ang mga kaliskis niya sa
braso ngunit nabigo siya. Kaya, lumapit siya kay Gng. Manuel. “Ma’am, sorry
po.” Hindi na nakapagsalita ang guro. “Hindi na po ako mang-aasar ng kaklase
ko. Hindi ko na po sila paiiyakin at sasaktan. Pangako rin na makikinig na po
ako sa inyo. Mag-aaral na po ako nang mabuti.”
Nginitian siya ni Gng. Manuel. “Mabuti naman kung
ganoon, anak. Maraming salamat!”
“Ma’am, puwede niyo na po bang bawiin ang sumpa?”
tanong ni Cali.
“Anong sumpa?” maang na turan ng guro.
“Sumpa po. Itong kaliskis ko po sa….” Tiningnan
niya ang braso niya. “Ay, wala na po. Salamat po! 'Di na po mauulit.”
Nagkangitian sila.
“Ikaw talaga, Calixto Bruno... Sige na. Pinapatawad
ka na namin.”
No comments:
Post a Comment