Followers

Wednesday, January 8, 2014

PAHILIS 16

KABANATA 16

           Usapang bote naman tayo..

           Pahilis din. Oo! Pahilis nga. Pahilis na ang lakad ko pagkatapos naming tumungga. Lasing na papasok sa campus. Para akong nag-cologne ng alcohol. Suwerte dahil pinapapasok pa kami ng guard. Tapos, di pa nahahalata ng propesor. Good effect lang ay ang dagdag na self-confidence. Dumadaldal ng kung ano-ano. Mabuti, nasa hulog pa rin.


           Pero minsan lang naman iyon...kapag nagkatuwaan lang. Kapag may vacant period kami. Pero minsan lang namin magamit ang isang period. Kulang kasi ang one or one and half hour upang malaklak namin ang long-neck na Emperador o isang pitsel na pomelo gin. Sayang kasi kung itatapon lang namin. Pinag-aambagan kaya namin iyon!

          Madalas nga naming magamit ang isang period. Nagtataka si Ma'am dahil isang batallion ang absent. Puro babae ang natira. E, kasi naman sa malayo pa kami nag-iinuman. Minsan sa bahay ng kaklase. Kadalasan, sa sikat na park at resort sa amin. Kaya, para maiwasan ang pagliban namin, sa malapit na lamang kami lumalaklak. Sa tindahan malapit sa school. Kahit bawal silang magtinda ng alak ay pinapainom pa kami. At take note, sa loob ng bahay nila...

          At hindi ko makakalimutan.. dahil doon kami nag-iinuman, napag-tripan ako. Na-vetsin ako! Hindi ko alam na hinahaluan pala ng MSG (monosodium glutamate) ang tagay ko. Kaya pala ang bilis kong malasing. Tapos, tawa sila ng tawa. Buwisit! Sumuka pa ako sa loob ng campus. Sa labas mismo ng library.

          Maraming nakakita...

          Kinabukasan, tinukso ako. "Ba't ka nagpakain ng itik doon?"

          "Ewan ko sa'yo!" Gusto ko sanang sabihin. Di bale na, natuto na ako. Hindi lahat ng kainuman ay mapagkakatiwalaan...

          Seriuosly..

          Ang hangarin kong maging madunong at makatanggap ng diploma ay seryoso pa rin. Pursigido pa rin akong gumawa ng assignments. Mag-library. Mag-recite. Mag-report.

         Aba! Kung reporting lang ang pag-uusapan. Seryoso talaga ako. Kinakarer ko. Daig ko pa ang tunay na guro. Best reporter ako. Alam ko iyon. Aba'y paano ba namang hindi?! E, talo ko pa si Mam kung magalit. "Stand up, answer my question." sabi ko sa madaldal na estudyante. Pag di sya tumayo, "Nakikisabay ka kasi, e! We can't serve two masters at the same time." May dialogue pa akong gano'n.. Pero hindi lahat pagalit, marunong din akong magbigay ng papuri. "That's a clever idea!" Tapos imo-modify ko ang sagot niya para mas lalong clear. "Any questions?" Itatanong ko pa. walang magtatanong. Kaya ako ang magtatanong sa kanila. Walang makakasagot. Maha-high blood ako. Maninermon na naman. Haay! Mahirap talagang maging maestro. Mabuti na lang hindi education ang kinuha ko. Malamang terror din ako. Kakainisan. Kakatakutan. Pagtsi-tsismisan. At malamang, namamato ako ng eraser o ng hard-bound book.

          Mabuti naman..

          Okey na sa akin ma-experience maging guro through reporting. At least naipakita ko sa realidad ko sa pagtuturo. At least alam ko effective ako. Unique ang strategy ko.

          Reporting palang, stand out na ako. How much more sa mga quizzes, exams o recitations?! Lagi akong nakaka-excel sa karamihan. Proud ako na kahit average lang ako ay nagagawa kong manguna among my classmates. Siguro dahil walang genius sa aming batch.

          Wala talagang genius. Karamihan sa amin mangongopya. Mga copycat! He he! At dahil sa pakikisama, nagpapakopya rin ako tuwing examinations. O kahit quiz lang.

          Lahat kinokopya nila. Kulang na lang kopyahin ang pangalan ko. Ang kakapal talaga ng mga apog nila sa mukha nila! Puro asa.

          Puro pa sila tanong sa akin. "Froi, ano nga ang ibig sabihin ng fatuous?!"

          "Tanga".

          Ako lagi ang takbuhan. "Froi, patingin o pahiram naman ng assignment o notebook mo." "Froi, turuan mo naman akong i-solve ito." Pa-cute pa kung magsalita.

          Nakakainis rin minsan pero tinatago ko na lang. May pagka-plastic din marahil ako. Pero, sana marunong silang tumanaw ng utang na loob. "Froi, nag-snack ka na?... Halika, treat kita!" Dapat sana ganun. Wala, e! Puro sila pakabig. Ako na lang lagi ang nag-gi-give.

          Di bale na! Masaya pa rin ako. Kahit paano kasi, isa ako sa mga napagtatanungan. Meaning, alam nila na may laman ang coconut shell ko. Siguro napansin agad nila ang capability ko nang ma-exempt ako sa English Plus.


          Suwerte! Minus gastos..

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...