Followers

Monday, January 6, 2014

PAHILIS 8

KABANATA 8  

          Baon ko pa rin ang hinanakit pagdating ko sa mataas na paaralan. Nayayamot pa rin ako sa isang partikular na tao. At tuloy pati mga kaibigan n’ya ay kinainisan ko na rin.  

          Kompetisyon talaga.  

          Kaya, ginalingan ko. Sumali ako sa mga activities. Sa recitations, hindi ako tumatahimik. Sa mga quizzes at exams, hindi ako nagpapahuli. Ang mga projects, pinagbubuti ko. Sinalihan ko lahat halos ng clubs at organizations.    

          Nag-workshop ako sa performing arts. Nag-drummer ako. Lumaban sa pagka-senador ng campus. Kahit natalo, at least, nag-try ako at nagpakita ng willingness to serve the Alma Mater.  

          Pinaghusayan ko ang mga performances. Mahusay na ako sa Math. Kahit alam kong may mas mahusay pa kesa sa akin. Masasabi kong kaya kong makipagtagisan sa kanila.  

          Pinaborito ko lahat ng asignatura, kahit Values Education. Kahit ang Florante at Laura sa Filipino 1. Sinikap kong unawain ang mga talasalitaaang ginamit sa aklat kahit walang savor ang Filipino teacher namin, na ginagawang katatawanan ng lahat.

          Kahit ang PEHM…

          Kahit nabo-boring ako sa Araling Panlipunan…

          Kahit nababaluktot ang dila ko at nauutal ako sa English…  

          Pinilit kong mahalin at isapuso. Pinag-aralan kong lahat, for the sake of grades. Besides, kaya nga ako pinag-aral, upang matuto, hindi upang mamili ng mga subject.  

          Madalas akong class officer. Hindi nga lang ako president. Pero ang pinaka-achievement ko ay ang pagpili nila sa akin madalas bilang lider sa bawat proyekto, programa o gawain. Pasalamat ako dahil kahit paano ay may tiwala sila sa akin at sa aking abilidad.  

         Napansin din nila ang penmanship ko. Pang-engineer daw, sabi nila. Para tuloy akong artista na hinihingian ng autograph. Pinapasulat nila ako sa kuwaderno. Minsan nga nabuko ako ng titser ko sa Araling Panlipunan. Napag-alaman niyang ako ang gumawa at nagsulat ng assignment ng isa kong kamag-aral. Bilang parusa, pinagsulat ako sa blackboard ng mga dapat kopyahin. He he! Hindi iyon kahihiyan sa akin. It’s a compliment!  

         To make the story short, balewala ang mga pinagpaguran at mga pinagpuyatan ko.. Eighth honors lang ako, e..Hindi ko na kinuha ang ribbon. Nakakahiya e.  

          Sinakop noon ng mga babae ang iskul namin. Imagine, halos lahat babae ang nasa honor roll. Sadya nga yatang matatalino ang mga babae.    

          Kunsabagay! Hindi dapat sisihin ang mga guro. Wala silang favoritism. Kasalanan ko. Nagpaapekto ako sa sitwasyon sa pamilya ko. Madalas akong absent.

          Eto ang kuwento..  

         Nagtratrabaho si Mama sa Maynila. Naglalasing lang si Papa. Naghihintay ng padala. Ako ang nag-aalaga sa two years old kong kapatid. Madalas akong lumiban sa klase dahil naaawa ako sa kanya baka kasi mapaano kapag lasing na ang aking ama.  

         Iyon!  

         Madalas akong umiyak. Mag-isa. Gusto kong tumigil sa pag-aaral. Pero patuloy pa rin ang bilin ni ina na mag-aral ng mabuti. Kaya, inisip ko na lang ang hirap at sakripisyo niya para sa amin.


         Natanggap ko rin na 8th honors lang ako.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...