Followers

Monday, January 6, 2014

PAHILIS 4

KABANATA 4  

          Para kaming ligaw na mga daga. Kung saan-saan kami lumulungga. Isang taon lang ang tinatagal namin sa isang lugar. At noong Grade 3 nga ako, sa Tarlac naman ako nakapag-aral.    

          Matatalaib, Bato Elementary School ang pangalan ng paaralan ko sa Tarlac. Medyo nakakahawig iyon sa Grade one school ko. Karamihang maykaya ang mga kaklase ko, mga nakatira sa subdivision, mga mapuputi ang balat, halatang anak-mayaman. Samantala ako, isang kulay-brown.    

          Ikinahihiya ko nga sa una ang aking ina. Nagtitinda kasi siya ng ice candy sa school namin. Kaya pag recess hindi ako lumalapit sa kanya kahit gusto kong humingi ng ice candy. Ayoko kasing malaman ng mga crushes kong sina Alpha at Ruth na nanay ko ang isa sa mga nagtitinda doon. Pero nang lumaon, ako mismo ang nagpakilala sa kanila. At ayun! Nakakahingi na ako ng tinda niya. At dahil dun, hindi na rin ako nahihiyang magtinda sa kanila ng yema, mani, tip-top, beans at kung anu-ano pa. Inaangkat ko iyon sa kapitbahay namin. Dagdag kita. Dagdag pogi points sa crushes ko.  

          Hay! Ang sarap ma-in love.  

         May malisya na ako noon. Nakakaramdam na ng kung anu-anong kamanyakisan.  

         Ang saya! Ang sarap ma-in love. Feeling ko noon, binata na ako. May theme song pa ako para sa tatlong babaeng pinagpapantasyahan ko. Sounds funny but it’s true. Paborito ko ang kantang “Si Aida o si Lorna o si Fe”. Nakakarelate kasi ako. Tatlo silang pinagpipilian ko. Si Ruth. Si Alpha. At si Rhodora.

          Si Rhodora ay kaklase at kapitbahay ko. Sa magulang niya ako humahango ng mga paninda. Madalas akong nasa bahay nila kaya naging close kami sa isa’t isa.

          Si Alpha at si Ruth. Mapuputi sila. Mukhang-mayaman. Pero hindi ako makaporma sa kanila dahil sa inferiorities. Hindi ako nababagay sa kanila. Gayunpaman, labis ko silang hinahangaan.

         Ang saya ma-in love.  

         Pero may sad moment din. Embarrassing din. Eto na naman ako. Pulos ako kahihiyan. At akalain n’yong sa Mathematics na naman ako pumalpak! Pulpol nga marahil ako sa subject na ito.  

         Hiyang-hiya ako nang iumpog ni Mrs. Imelda Go ang ulo ko sa blackboard. Hindi ko kasi ma-solve ang division problem na 3-digits divided by 2-digits. Antagal ko sa harapan. Erase ako ng erase. Siguro nainip si Ma’am. Ayun!

         Toink!  

         Napaluha ako nun, hindi sa sakit, kundi sa kahihiyan. Hindi ako makatingin sa mga kaklase ko. Nabawasan yata ang pag-asa ko sa mga crushes ko. Tapos, anlakas pa ng tawanan.

         December. Medyo nakalimutan na ng lahat ang nangyari. Hindi na rin ako naiilang at naiinis kay Ma’am.Merry-making na. First time ko ma-enjoy ang party na iyon, dahil noong Grade 1 and 2 ako, hindi ko pa masyado alam noon ang real essence ng selebrasyong iyon. Basta kakain lang ako. Pero noong Grade three ako, superconscious ako sa attire ko. May pinapa-charming-an na kasi.  

          Kakatwa lang, kasi uso pa noon ang KKB. Kanya-kanya baon. Walang ambagan. Pasarapan na lang ng baon. Ang baon ko noon—spaghetti, fried chicken, Royal at biskwit.  

         Ang exchange gift namin ay worth P10. Masaya na kahit anong makuha. Sabong pampaligo yata ang nabunot ko noon at isang towel.

         Ansarap talagang maging bata!    

         Hindi ko pa noon alam ang kompetisyon kaya hindi ako conscious sa mga grado ko. Ang alam ko lang ay nagpa-participate ako. Nagre-recite. Gumagawa ng assignment. Ng projects. Pinag-iigi ko ang pagsagot sa mga tanong kapag exam.

         At nalaman ko na lang na third honor ako. Akalain mo?! Ikinagulat ko iyon, huh. Pero mas ikakagulat ko kung “Best in Mathematics” ako. He he!  

         Tulad noong Grade 1 ako, hindi ko rin natanggap ang ribbon ko. Kasi, dalawang lingo pa bago ang closing, nasa Maynila na kami.  

          Sayang!

          Sayang! Di ko man lang nasabi kina Ruth, Alpha at Rhodora na crush ko sila.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...