KABANATA 11
Panibagong school na naman. Panibagong pakikisama. Panibagong hamon
at pagsubok. Panibagong experience. Panibagong ambience.
Kung
bibilangin, simula kindergarten hanggang third year high school,
nakawalong paaralan na ako. Kung nagbibigay ng Loyalty Award ang
bawat school na papasukan ko, hindi ako mabibigyan. Bakit nga naman
ako a-award-an!? E, palipat-lipat ako. Look:
....Kindergarten sa San
Francisco
....Grade One sa Bulan
South Central School
....Grade Two sa Guruyan
Elementary School
....Grade Three sa
Matatalaib Bato Elementary School
....Grade Four sa San Juan
Elementary School at Bulan South Central School
....Grade Five at Six sa
San Francisco Elementary School
....First at Second Year
sa San Francisco National High School
....at Third Year sa
Antipolo National High School
Ayun
na nga.. enrolled na ako. Nagsimula na ang klase. Nanibago ako.
Sobrang hiya ko noon kasi lahat sila ay magkakakilala na. Ang mga mata nila ay
nakadako sa akin. Para akong gringo.
Pero,
pagkalipas ng ilang araw, adjusted na ako. Kilala ko na ang bawat
isa. May kakuwentuhan na rin ako. May kabiruan pa. May nagka-crush sa
akin. Ahem! At siyempre, may crushes din ako..
Lumaon pa, nakipagkumpitensiya na rin ako sa mga pioneer na
estudyante. Ginawa ko ang lahat para mapansin ng mga guro. Nagpaka-KSP talaga
ako. So i did! Nalaman nila ang abilidad ko. Sinali ako sa
mga contests. Poster-making. Slogan-making. Essay-writing. Etc..
Na-nominate at na-elect ako as class officer.
Nagwagi ako ng mga parangal. Second placer ako sa pagbabaybay.
Nag-second din ako sa pagsasatao o monologue.. Nakakahiya lang dahil
hindi ko naiba ang boses ko. Hindi dapat
iyon monologue kundi monotone.
Nagwagi din ako ng first prize at cash prize dahil
sa native parol na ginawa ko.
Nalaman din ng mga guro ko na mahusay ako sa letter-cutting. Kaya, kapag
may program, pinapatawag ako. Akala ko nga minsan, may violation ako.
Iyon pala ay may ipapagawa silang cut-outs para sa entablado.
Lagi-lagi iyon.
Lagi
akong nasa honor roll, na inilalabas every after grading period.
Kuntento na ako kahit nasa middle place lang ako. Alam ko naman kasi
na may mas matalino at aktibo pa kesa sa akin. Saka hindi ako pwedeng mag-top,
kasi transferee ako.
All
of the sudden...
Dumating ang problema. Dumalas ang pagliban ko sa klase. Wala na kasi akong
allowance. Kapos lagi sa pamasahe. Delayed lagi ang padala ni Mama.
Minsan nga, pumapasok ako kahit walang baong pagkain, basta may pamasahe. Okey
na iyon sa akin. Sayang kasi ang araw. Ayaw kong ma-miss ang
mga quizzes at graded recitations.
Matiisin ako talaga. Sa gutom. Sa halos lahat ng bagay..
Pero,
isang tanghali, hindi ako lumabas ng classroom para kumain. E, wala naman
talaga akong tsitsibugin! Wala akong baong pera. Ni hindi ako makakabili ng
tig-aanim na pisong mainit na Lucky Me noodles sa labas. Kaya ayun!
Nakipagkuwentuhan na lang ako sa kaklase ko habang kumakain siya. "Sige
lang!", kako. Kapagdaka'y nakita ako ng guro ko sa H.E.. Nagtanong. Umariba.
hindi ko alam na nagkuwento pala sa adviser ko. Maya-maya pa ay may
dala na silang kanin at ginisang upo. Todo tanggi akong tanggapin. Pero ang
totoo, gustong-gusto ko. Gutom na kasi talaga ako, e. kanina pa ako naglalaway
sa ulam ng kaklase ko.
Tinanggap ko rin pero kunwari ayaw ko pang kainin. Nakakahiya e. Pero ang
mas nakakahiya ay nang interview-hin ako ni Ma'am. Tsk! Tsk! Naiyak ako.
For
the second time, naiyak uli ako habang kinakausap ng adviser. Dyahe!
Dahil
sa problemang iyon, naapektuhan ang grades ko. Hindi ko kasi nagagawa
ang mga takdang aralin namin. Hindi na rin naman pumapasok sa kukote ko ang mga
leksiyon. Bumaba rin ang mga nakukuha kong tama sa nga quizzes.
March.
Wala akong natanggap na award. Hindi naman talaga ako umasa. Ang
importante sa akin ay matataas ang grades ko sa report card. Ayoko ng
may pula doon. Ayoko ng may bagsak. Ayoko ng kahit pasang-awa. Ayoko ng
pahilis. O line of seven.
No comments:
Post a Comment